Chapter - 26

439 29 58
                                    

Sa pagtungtong namin ng unang taon sa sekondarya ay parang walang pagbabago marahil sa pakiramdam namin ay mga bata pa rin kami. May mga pagkakataong nagagawa pa rin naming makapaglarong tatlo sa bahay man namin, sa kanila o kaya sa burol. Pero dahil sa nag-iisang babae si salvacion ay palaging kami ni Arman ang magkasama sa galaan kung may pagkakataon.

Mabilis na lumipas ang mga araw at taon. Nasa pangatlong taon na kami sa sekondarya.  Hindi ako makapaniwala na halos magkasingtangkad na kami ni Arman. May mga kaedadad kami na naririnig naming may paghanga sa aming dalawa. Kung ano ang ikinaputi ko ay kabaliktaran ni arman. Moreno siya ngunit malinis itong tignan. Sabi nga ni Salvacion ay kape at gatas kami. Mestiso ako at pinoy na pinoy siya. Hindi rin nagpahuli si Salvacion. Sa edad naming kinse ay dalaga na itong tignan. Magandang morena din siya. Mahaba ang maalon niyang buhok at halos ilang dangkal lang ay abot na niya ang katangkaran namin ni arman. Sa paaralan o sa baryo man namin ay may mga humahanga kay Salvacion. Ngunit hindi niya pinapansin. Tanging kami lang ni Arman at dalawang kaklase namin na si Alicia at Dominador  ang malimit naming kasama sa paaralan man o kapag namasyal sa plaza pagkatapos ng eskuwela. Silang dalawa ang pinakamalapit sa amin bukod sa tagabaryo namin din silang dalawa.

Sa kabila niyon ay may mga pagbabago na rin na iba sa aming tatlo. Hindi na kami naglalaro tulad ng dati sa galaan at sa bahay. Minsan isa sa amin ang dadalaw sa bahay ng isa sa amin para mag-aral na sama-sama. Ngunit nanatiling tambayan naming tatlo ang burol na kung minsan ay ako at si salvacion ngunit maraming pagkakataon na si arman at ako. Ipinagawa din kami ni lola ng maliit na bahay kubo doon para pahingahan.

Sa panahong iyon ay may bumabagabag na sa akin sa pagtungtong ko ng ikaapat na taon.....sa aking isip at higit sa lahat sa aking puso. Hindi ko maintindihan dahil hindi ko alam kung kelan nagsimula. Ang alam ko lang ay iba ang nararamdaman ko at hindi nararapat.

Kaya napilitan akong kausapin ang pinakamatalik kong kaibigan na si Salvacion na sa aking palagay ay maiintindihan niya ako.

" Ano bang pag-uusapan natin at bakit kailangang tayo lamang at wala dapat makakaalam?!" Urirat  niya sa akin habang nakaupo kami sa labas ng bahay kubo sa burol.

Napabuntonghinininga ako at tumingin sa malayo. " Nagmahal ka na ba Vacion?"

Gulat na napatingin sa akin si Vacion noon na tila iniintindi ang sinabi ko.

" Huwag mong sabihing.....may napupusuan ka na Emman?!"

" Tinatanong lang naman kita."

" Ummm.....hindi ko alam eh....pero sa tingin ko paghanga lang sa kanya... Pero yung mapusuan ko siya ay masyado pa tayong bata sa mga bagay na iyon...hindi pa dapat at pag-aaral muna ang dapat nating inuuna."

" Alam ko naman yun vacion.....kaya lang naguguluhan ako sa sarili ko ngayon.....hindi ko alam ang aking nararamdaman."

" Anuman yan....maari ko bang malaman para lumuwag ang nasa dibdib mo at bakasakaling makatulong ako."

Sa sandaling iyon ay handa na akong ipagtapat kay vacion ang mga bagay na aking nararamdaman at gumugulo sa akin. Gusto kong may makausap na maaring makaunawa sa akin.

" Hindi ka ba magagalit o masusuklam sa akin kahit ano pa ang aking ipagtapat sayo?"

" Emmanuel!.........bata pa lang tayo at hindi pa nagkakamuwang ay naglalaro na tayo....matalik kitang kaibigan. Nakita ko at alam lahat ng bagay na nangyayari sa buhay mo. Ngaon ka pa ba maglilihim sa akin kung saan lubos na nating mauunawaan ang lahat at maiintindihan. Emman.... Anupaman yan handa ako at hindi ko magagawang kasuklaman ka."

" Salvacion......hindi ko matandaan kung kelan at paano ito nagsimula sa akin....basta bigla ko na lang naramdaman na araw-araw ay parang lalo siyang napapamahal sa akin....hinahanap ko siya kapag wala siya sa aking tabi. At kapag katabi ko naman siya ay hindi ko maintindihan sarili ko parang gusto kong umiwas ngunit hindi ko magawa dahil gusto ko ay makita siya. Alam ko na hindi lang paghanga ito....pero hindi ko maintindihan ang lahat."

Hinawakan ni salvacion ang aking kamay at mas lumapit pa sa aking tabi.

" Alam kong nararamdaman mo....hindi mo man maamin mahal mo na siya.....mahal mo si Arman." Nakangiting pahayag ni Salvacion sa akin na ipinanlaki ng mata ko sa biglaan niyang pagbanggit ng pangalan ni Arman kaya agad kong tinakpan ang bibig niya at baka may makarinig. Kaya napahagikhik siya. Ako naman ay namula at natahimik na yumuko. Nahiya ako sa matalik kong kaibigan. Bagamat nahihiya ako ay handa na akong aminin sa kanya ang lahat.

" Emman... Hindi mo man aminin....alam ko yun....nararamdaman at nakikita ko yun sayo kung anong pagtangi na meron ka sa kaibigan natin. Naiintindihan kita namin nina Alicia at Dominador. Hinihintay ka lang namin na magsabi sa amin at handa kami. Tanggap ka namin emman ano ka pa man."

Natakot ako sa aking narinig dahil ganun na ba ako kahalata na may pagtangi sa kaibigan ko.

" Si arman alam ba niya? Nararamdaman din ba niya napagusapan ninyo?!" Pag-aalalang tanong ko kay vacion.

" Hindi ko alam.....hindi namin napaguusapan...tanging kami lang tatlo ang minsay napagusapan ang bagay na iyan. Alam mo kasi emman....iba ka kumpara sa ibang kabataang lalaki dito maging sa ating paaralan. Tila ba may kulang sayo sa pagiging isang lalaki. Huwag ka sanang magdamdam pero yun kasi obserbasyon namin. May mga bulungan din sa eskuwelahan natin pero sinasalungat ko iyon dahil ako ang mas nakakakilala sayo."

" Salamat Vacion......naguguluhan ako sa aking sarili....ayokong maging ganito kamumuhian ako ng aking pamilya o baka itakwil pa nila. Ngunit hindi ko alam kung hanggang kelan ko maaring itago ito."

" Emman mga bata pa naman tayo....kinse pa lang maari pang magbago ang lahat.....marami pang maaring mangyari sa buhay natin malay mo paghanga lang talaga iyan para sa kaibigan natin. Hindi maitatanging maraming humahanga kay arman....matalino, mabait, may talento at higit sa lahat guwapo.....pero emman hindi.mo ba alam na maging ikaw ay napakaguwapo....kung tutuusin mas guwapo ka sa kanya.....para ka ngang artista sa maynila yung mga mestisuhing artista."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Vacion. Medyo lumuwag na ang aking dibdib sa bagay na bumabagabag sa akin na kahit papaano ay may nakausap at nakaunawa sa akin.

" Kahit anong mangyari emman.....ikaw ang pinakamatalik kong kaibigan at mahal na mahal kita. Hindi ko hahayaang may manakit sayo dahil lang sa ikaw ay isang alanganin. Tao din ang mga tulad mo....may mga alanganin din dito sa ating lugar pero maayos naman ang buhay nila....itinakwil man yung iba ng pamilya nila ay hindi naging hadlang yun para magpursigi sa kanilang buhay. Kaya ikaw huwag kang malungkot....huwag kang malungkot kung balang araw ay hindi matugunan ni arman ang damdaming meron ka sa kanya....masakit pero kailangan nating tanggapin."

Napayuko ako at naluha sa sinabi ni salvacion kaya niyakap niya ako. Maski papano ay naintindihan ko na ipinaunawa niya sa akin ang kalagayan ng isang alanganin sa lipunang aming ginagalawan. Ipinaunawa niya sa akin na maraming hindi makakaintindi at pagtawanan ako. Pero marami pa ring makakaintindi. Ngunit hindi ko alam lalo pa sa panahong iyon na napaka konserbatibo pa rin ng lipunan.

Sa panahon ding iyon ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo ng mga magulang ko sa akin. Hindi na nga nila ako napapalo ngunit masasakit na salita naman ang naririnig ko kapag hindi ko naabot ang kanilang gusto sa aking pag-aaral. Mas lalo kong pinagbuti ang aking hilig sa musika sa pagtugtog ng piano, gitara at maging ng bayolin na itinuro ni Arman.

Si arman din ay naging mas mahusay sa musika at maging sa pag-awit kaya mas maraming kababaihan ang nagkakakagusto sa kanya. Disyembre noon pangatlong taon namin sa sekondarya ng regaluhan si Arman ng kanyang ama ng bagong bayolin. Kaya naman tuwang-tuwa siya. Ako man din ay nabigla ng  pag-uwi ko ay may bagong piano mismo sa aking silid. Regalo naman sa akin ng aking lola. Si Salvacion naman ay may regalo sa aking talaarawan, si arman ay isang damit ang regalo sa akin. Sobrang saya ko noon. Maski na pasko at wala ang aking mga magulang na piniling magpasko sa maynila kasama ni Kuya at ate. Hindi naman nila kami ni lola pinilit na sumama kaya walang problema iyon sa amin. Masaya kami ni lola na maski kami lang magkasama sa pasko.

Sa mga panahong iyon na nag-iiba na ang pagtingin ko kay arman ay naroon palagi si Salvacion maging si Alicia at Dominador na lubos nakakaunawa sa akin.

Pagsapit ng bagong taon kung saan ilang buwan na lang ay magtatapos na kami sa sekondarya ay isang balita na narinig ko na nakapanghina ng aking damdamin at gusto kong maiyak lalo pa ng makita ko ito kasama ko noon si Salvacion, Alicia at Dominador papunta kami ng Silid aklatan.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now