Chapter - 2

1K 43 3
                                    

" Ready na kayo guys?!"

" Yes Pa!" Sigaw ni Daryll sa kotse kung saan nakasakay siya kasama ang mommy niya. Sa van naman ang kanyang kuya at ate, kasama ang pinagkakatiwalaang kasambahay na si Aling Helen at asawang driver na si Omar at ang anak na si Mona. Sunod sunod na tumulak sila paalis nauna ang kotse, van at ang trak lulan ang mga gamit nilang hinakot. Sa daan ay kinawayan pa sila ng mga kapitbahay na nasa daan. Nakita pa ni Darryl na nasa isang harapan ng tindahan na tila inaabangan pagdaan niya si Raven. Ngumiti ito na kumaway at nag sign ng tila nag ti text. Tumango siyang nakangiti at nagbabay.

Dumaan sila sa harap ng bahay nina Yna at Yvo at naroon nga ang dalawa. Dahan dahang dumaan doon kotse para makapagbabay pa si daryll sa dalawa nasa terrace ng bahay. Kumaway ang dalawa at kinawayan din niya. Hanggang muling bumilis ang takbo at pabilis na ng pabilis at nasa highway na sila. Doon na tila nag iba ang mood ni Daryll na tinignan siya ng daddy niya sa headmirror at napangiti ito.

" Anak, ok ka lang?"

" Ok lang po pa."

" Alam mo hindi ka masyadong masaya sa nangyaring ito pero anak sana maunawaan mo na doktor ako at kailangan ang serbisyo ko sa isang hospital doon."

" Pa.....you dont have to worry ok na ok lang po ako....malungkot kasi napalayo ako sa mga kaibigan ko. Pero Pa hindi naman dun natatapos ang lahat....marami pa akong makikilalang tao at magiging kaibigan....sa pupuntahan natin im sure may mga magiging kaibigan din ako dun."

" Alam mo nak, bilib talaga ako sayo, malawak ang pang unawa mo. Alam ko magiging magaling kang doktor tulad ko."

" Hahaha si papa patawa. HS pa lang po ako, baka bigla na lang mag iba gusto ko hahaha."

" Anak.....anuman ang gusto mo at ng ate at kuya mo,kami ay nakasuporta ng mama mo. Kung saan kayo masaya at kung ano ang gusto ninyo ay di kami tututol. Ang sa amin lang ng mama nyo ay pangaral at gabay."

" Tama ang papa mo anak.....nandito kami lang kami ha....kung may problema lalapit agad huwag sasarilinin."

" Tnx pa, ma."

" Nak, sino yung poging kinakawayan mo sa tindahan kanina, ngiting ngiti sayo ah pati ikaw. May pahiwatig pa na mag txt kayo. Boyfriend mo?"

" PA?!!! Grabe hahaha. Kaibigan ko lang yun si Raven....4rth yr na. Nasabi ko kasi na lilipat na tayo ng hometown kaya kinuha niya # ko."

" Hmmm....so di mo siya classmate anak...aba iba yan....kinuha number mo na bigla na lang na naging bago mong kaibigan. Pero nak, sa tingin ko kursunada ka nun!"

" Pa naman huwag ganyan di ako sanay eh! Nakakainis naman!" Maktol ni Daryll sa ama.

" Aba anak....ganyan ba ang naiinis eh para ngang kinikilig ka eh hahaha." Panggagatong pa ng mama ni Daryll.

" Hayyy naku pinagtutulungan na naman ako hmp! Buti pa magmusic na lang." Agad isinalpak ni Daryll ang headset sa tenga at pinakinggang ang mga nasa playlist niya sa cp. Nagbukas ng sitsirya habang nakikinig ng music.

Makalipas apat na oras ay nag stop over silang lahat sa Ragay Cam. Sur. Doon ay nananghalian silang lahat. At pagkatapos ay muling itinuloy ang biyahe.

Pasado alas dos ay narating na nila ang bayan ng Lopez Quezon.

Patuloy silang bumiyahe patungo sa isang baranggay o baryo kung saan doon sila maninirahan.

Isang baryo na halos kalapit lang ng bayan. Ngunit sa pagpasok sa baranggay na  iyon ay namangha si Daryll sa ganda dahil may malapit na mga kabundukan na berde, at may mga burol na kayang akyatin dahil hindi ito madadawag. Tila isa itong burol na pastulan ng mga baka at kambing. Mangilang matatayog na puno lang makikita ngunit kita ang mga damuhang pantay pantay ang pagkakatubo na tila sumasayaw pa sa hangin kapag tinatamaan ito.

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now