Chapter - 23

468 32 71
                                    

Sa panahon ng aking kabataan na kung saan si Salvacion lang ang aking kaibigan ay ganoon na ang trato sa akin ng aking mga magulang. Hindi ko na alam kung anong gusto nilang mangyari sa akin kung bakit ganun sila ka istrikto. Sabi nila gusto nila akong mapabuti, pero alam ko na mabuti at mabait akong bata. Ang minsang pagkakaroon ko ng kamalian ay bunga lang ng aking pagiging bata. Nakakalungkot na tanging si Salvacion at lola lamang ang aking karamay kapag ako ay sobra ng nagdaramdam at nasasaktan sa pagiging istrikto ng aking mga magulang na maituturing ng pagmamalupit.

" Apo....maayos lang ba ang iyong pakiramdam?" Si lola na na naluluha ng pumasok sa aking kuwarto na may dalang palanganang maliit na may lamang tubig. Habang ako naman ay impit na umiiyak dahil masakit ang aking tuhod  sa pagluhod sa munggo ng halos trenta minutos. May tatlo pa akong palo sa may hita ng isang patpat na kawayan kaya mahapdi at kita ang pantal. Nakaupo lang ako sa silya na hindi dikit ang hita at nakadiretso ang mga paa habang hinihilot ko ang aking tuhod.

" Lola.....maayos naman po....masakit pero titiisin ko po. Wala naman po akong magagawa kundi sumunod kina mama at papa."

" Apo....patawarin mo ako kung di kita maipagtanggol, masyadong matigas ang iyong papa at mama. Alam ko na nakuha ng mama mo yang ganyang pagiging istrikto sa lolo mo. Kaya nga noon hindi kami magkasundo ng lolo mo sa paraan ng pagdisiplina sa aming mga anak."

" Naiintindihan ko po lola. Hindi ko rin po kasi kanina namalayan oras at hindi ko din alam darating na sila."

" Apo....alam mo kung malakas pa talaga ako at kaya ko pang lumayo sa lugar na ito ay isasama kita.....kaso mahirap na apo....nasa dapithapon na ako ng aking buhay at kung sakali mang magawa ko yun ay baka mahirapan ka apo, ayokong mangyari iyon. Oo nga mabubuhay tayo hindi tayo mahihirapan o magugutom pero ayokong maging pabigat sayo apo."

Sa sinabing iyon ni lola kung saan nakaupo siya sa kama ay mabagal akong tumayo na iika ika at umiiyak ng mahina at niyakap ko ang aking lola na karamay ko na mula ng akoy magkaisip.

" Lola mahal na mahal ko po kayo. Kahit kailan hindi kayo magiging pabigat sa akin. Kayo lang naman po kakampi ko dito kaya hindi ko po kayo pababayaan."

" Salamat apo. Halika upo ka dito sa kama at gagamutin natin ang tuhod mo."

" Lola wala naman pong sugat. Nagpantal at manhid lang po at bukas ala na po yan babalik din yang parang mga maga sa dati. Ipapahid-pahid ko na lang po itong bimpo sa tuhod ko at sa pantal sa likod ng hita ko."

Alam kong madali lang mawala ang pantal at sakit sa mga parusang ibinibigay sa akin ni papa at mama pero ang sakit na aking nararamdaman sa aking puso dahil hindi ko maramdaman ang pagmamahal nila ay hindi na maalis. Parang naging sugat na ito na hindi gumagaling dahil paulit-ulit na ginagalaw. Ang daming katanungan sa aking isipan kung bakit ganun nila ako tratuhin.

Nang matapos kaming magusap ni lola ay kumain na ako ng pagkaing iniakyat ng aming kasambahay. Naubos ko ito dahil sa gutom dahil hindi ako nakapagmeryenda. Ibinaba na ng kasambahay ang mga pinagkainan ko at lumabas na rin si lola dahil sabi ko magpahinga na rin siya.

Muli sa aking pagiisa ay nakaramdam ako ng lungkot. Naiisip ko kailan ba ako magkakaroon ng kalayaan na maging isang normal na bata na hindi limitado ang mga galaw. Malayang makapaglaro sa labas na walang pangamba at malayang makipagkaibigan kahit kanino. Dahil sa ayaw ng aking mga magulang na magkaroon ako ng mga kaibigan na kung sino lang ay lumalayo sa akin ang ibang mga bata. Pero marami pa ring gusto ako at lumalapit kasi kilala nila kami ni lola.

Habang nakahilata sa kama ay muling may liwanag na tumama sa bintana. Tumayo ako dahil alam ko si Arman iyon. Binuksan ko ang bintana at pilit na umupo sa pasamano. Nakita ko si Arman na may hawak na flashlight na sumasayaw-sayaw na parang baliw na nakatapat sa ulo niya ang ilaw. Alam ko na gusto niya akong pasayahin dahil batid niyang malungkot akong muli sa pagdating ng aking mga magulang.

Napangiti na lang ako at pumapalakpak na mahina. Iyon din kasi paraan namin para magkaintindihan at mga senyales sa kamay na itinuro ni Salvacion samin dahil may kapatid siyang hindi nakakapagsalita.

Nang matapos sumayaw-sayaw si Arman ay kinuha niya ang kanyang bayolin at umupo rin sa pasamano ng bintana.

Sa pamamagitan ng senyales sa kamay ay sinabi niya na huwag ako malungkot, tutugtugan niya ako.

Inumpisahan na niya ang pagtugtog at nagulat ako dahil bersyon sa bayolin ng aking tinugtog sa piano noong dumalaw sila sa bahay ang kanyang tinutugtog.

Nakatingin lang ako sa kanya habang tila nakapikit pa siya habang tumutugtog. Maganda at nakakahalinang pakinggan ang kanyang ginagawa. Kaya ng matapos ay tuwang-tuwa akong pumalakpak ng mahina. Tumayo siya sa malapad na pasamano at yumuko na ipinatong pa ang kanang kamay sa kaliwang dibdib.

Itinaas ko ang aking dalawang hinlalaki bilang pagbibigay puri ginawa niya.

Muling bumaba sa pasamano at kinuha ang flashlight at itinutok sa akin mula sa malayo kaya bumelat ako sa kanya. Ginawa niya ay itinutok din niya sa mukha niya ang flashlight na tila nananakot dahil nakabuka ang bibig at nakatingin sakin ng matalim. Natawa na lang ako at nagpahiwatig na matutulog na ako.

Sumangayon siya sa akin at kumaway pa ng kumaway at nakangiting isinara ng bahagya ang bintana. Gayundin ang aking ginawa at muling humiga sa aking kama.

" Kailangang maaga ako bukas nandito na sina mama at papa. Ayokong magkamali ulit. Sana lang paggising ko hindi pala ganito ang trato nila sa akin.....sana panaginip lang ang lahat ng ito.....isang panaginip na ang tagal kong magising. Pero sana sa aking pag gising ay totoong merong isang arman na nagpapangiti sa akin. Isang salvacion na nagmamahal sa akin at isang nakakaunawa at mapagmahal na lola.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
-----------------------------------------------------

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now