Chapter - 60 ( Final Chapter )

545 42 92
                                    

Daryll's POV

Sa paglipas ng mga buwan ay unti-unting naka-recover na ang pamilya namin at pamilya nina Lukas. Mas naging malapit ang pamilya namin sa isat-isa. Nagkaroon ng amnestiya sa mga rebeldeng nakasama ni lolo arman sa bundok para magbalik loob sa pamahalaan. Isa na doon si Kuya David. Masaya si Kuya David na may bago na siyang pamilya ang pamilya ng kanyang tito lemuel.

Kinausap ng attorney ni lolo manuel ang pamilya ni tito lemuel at tita luna. Halos di sila makapaniwala sa naiwang yaman ng matanda sa kanila.

Dumaan pa mga buwan at napilitang umalis na sa pagkapulis si Tito Lemuel siya na ang namahala sa mga naiwang negosyo ni lolo.....ang tahanan naman ni lolo manuel ay sumigla dahil doon na nanirahan ang pamilya kung saan kasama na nila si Kuya David na masayang tinanggap ang pagbabago ng kanyang buhay. Sa burol kung saan inilagak ang labi ni lolo manuel at lolo arman ay may ipinatayong mataas na krus si papa at tito lemuel ito ay sa may puntod nina lolo. Kung nasa highway ka ay kita ito.

Buwan ng Enero at bumalik sa normal ang lahat....masaya ang dalawang pamilya. May pagkakataon nagsasama-sama kami sa bahay man namin o bahay nina lukas. Hanggang sa napansin naming unti-unting sumisibol na ang mga bulaklak ng mga punong mangga sa buong bakuran nina tito lemuel....ngunit higit sa dami ang isang manggang nasa pinakadulong bahagi.

Nakikita ko na palaging pinapausukan ng mama ni lukas ang mga puno tuwing umaga at hapon kaya marahil maganda ang resulta nito. Inayos na rin ni tito lemuel ang mga dokumento ni kuya david para sa pasukan ay makapag-aral siya sa unang taon sa hs. Doon din namin nalaman na isa si kuya sa nangungunang estudyante sa pinanggalingan niyang paaralan. May talento din sya sa pagkanta at gitara kaya sana ay makapasok siya sa star section ng school namin. Sinabi din sa kanya na mag-exam para sa acceleration para makahabol siya sa edad niya.

Hanggang sa pagdaan ng mga araw at bakasyon na....palagi kaming magkakaibigan magkakasama kung saan.

Araw ng linggo buwan ng Mayo kung saan hitik na sa bunga ang mga mangga at sama-sama kaming nagha-harvest na magkakaibigan ng may pumukaw ng atensyon namin ang dalawang bata sa labas ng bakuran. Nakaapak sila sa sementadong bakod at nakayakap sa bakal.

" Yuhoooooooo! Kuya pahingi naman po kaming mangga!" Sigaw ng isang mas matangkad at malaking bata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" Yuhoooooooo! Kuya pahingi naman po kaming mangga!" Sigaw ng isang mas matangkad at malaking bata....may tirador pa itong nakasabit sa leeg at madungis. Lumapit si Ybonne dahil siya ang mas malapit sa dalawa.

" Abaaaaa! Mga bubwit na ito! Tagasaan kayo at nakarating kayo dito?!"

" Tagadoon po sa kabilang purok kuya!"

" Kuya ka diyan! Ate ang itawag mo sakin noh!"

Biglang tinawag na ni lukas ang dalawang bata para pumasok. Agad namang tumalon ang isa at nagtatakbong hila ang kamay ng isang mas maliit sa kanya patungo sa gate at pumasok.

Lumapit ito kay lukas na nakangiti pero ang mas maliit ay tila kimi at nahihiya.

" Magkapatid kayo?" Tanong ni lukas.

" Ay kuya hindi po! Magkapitbahay lang kami....ako po si Arjon 9 yrs old at siya naman si Ethan 9 yrs old din....bagong lipat po sila sa tapat namin."

" Hala! Para silang si Lolo Arman at lolo manuel!" Sabi ko kay lukas kaya napangiti ito.

" My Gosssshhh! Reincarnation ba itey?!" Si ybonne.

" Gusto nyo ba ng mangga?" Muling tanong ni lukas.

" Opo kuya, peborit ko yan!" Sagot ni arjon kaya mas lalo akong napangiti dahil si lolo arman ang nakikita ko sa katauhan niya.

" Arjon.....uwi na lang tayo....baka hinahanap na ako sa amin." Si Ethan na tila nahihiya sa aming lahat.

" Hala! Ano ka ba Ethan! Ok lang yun! Bakasyon naman, saka mabait naman papa at mama mo. Maiintindihan nila tayo noh....saka sayang ang mangga oh!"

Lumapit si Ybonne na nakapamewang sa dalawa kya medyo natakot si Ethan dito kaya humawak ito sa braso ni Arjon.

" Mukhang close na close na kayo ah! Bestfriend na ba kayo?!"

" Hindi pa po ku....este ate! Pero gusto ko siyang maging bestfriend!" Sagot ni Arjon.

" Talaga lang! Sige nga kiss mo siya sa pisngi!" Biglang hinalikan naman ni Arjon sa pisngi si Ethan kaya itinulak ito ng huli.

" Ano ba yan ethan nanunulak ka!"

" Kadiri ka kasi yang sipon mo nasa pisngi ko na yakkkk!"

" Narinig nyo yun mga frend....sa sipon sya nandiri hindi sa kiss! I think may future itong dalawang ito!" Sa sinabi ay bigla itong binatukan ni kuya david.

" Kung ano-anong sinasabi mo sa mga bata! Umayos ka ang babata pa nyan!"

" Kainis ka kuya! Yung crown ko nalaglag!"

" Letse!"

Kumuha si Lukas ng isang plastik at nilagyan ito ng maraming mangga, hilaw at may mga hinog na. Ibinigay ito sa dalawang bata na tuwang-tuwa na nagpasalamat.

" Salamat sayo kuya pogi!"

" Walang anuman.....hati kayo ng bestfriend mo ha.....mula ngayon magbestfriend na kayo."

" Opo kuya! Narinig mo yun ethan bestfriend na tayo mula ngayon!"

" Hmp! Sige na nga!"

" Yessssss! Sige po mga kuya at ate aalis na kami ng bestfriend ko! Sa uulitin po nitong mangga."

" Oo ba! Basta huwag kayong magaaway ng bestfriend mo." Sabi ni lukas. " Ito pala ang mga kaibigan ko, Kuya Daryll, Ali, Kiro, Yuan at David. Sila naman si Ate Gabriella, Alexis at ybonne."

"Hello po sa inyo! Opo kuya! Lab ko na ito mula ngayon kasi bestfriend na kami!" Sabay akbay ni arjon at kiss ulit sa pisngi ni Ethan kaya hinila nito sa buhok ang kaibigan. Natawa kaming lahat....kaya sabi ko kay lukas...

" Parang nakikita ko sa kanila ang batang lolo arman at emman." Napangiti si lukas.

Sa labas ng bakuran ay nakita pa naming naglalakad ang dalawa na magkaakbay na nagtatawanan.
.
.
.
.
.
.
.
THE END

START: OCTOBER 2016
END : JANUARY 30, 2017

Finally natapos ko na rin ang story na nagbigay aliw sa inyo kahit papaano. Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta.

annavi16 AndrewDave_22 XenaArmenta yataiomni benedictG2 Torikara davinciboi VhonHyronBoquiren se7en2 E_L_I_A_H ronielyndelarosa jhavril spyeri JaphzGuyo Ripple_hitch Fredencio LooneyTunes0 IamUnrequited

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now