Chapter - 51

408 33 340
                                    

Naalimpungatan si Daryll sa naririnig niyang hagikhikan. Pagmulat ng kanyang mga mata ay mukha ni Lukas ang kanyang nakita. Nakapikit ito tulog pa rin, ngunit ikinabigla niya ay magkayakap silang magkaharap na nakahigang patagilid. Agad siyang bumangon at tumayo dahil silang dalawa na lang ni lukas ang nasa higaan. Pupungas-pungas namang gumising ang binatilyo.

" Frenddd! Musta ang honeymoon! Success?!" Pang-aalaska ni ybonne....nakangisi namang katabi nito ang mga kaibigan nila.

" Buang ka!" Agad ng tinungo ni Daryll ang paminggalan para maghilamos kasunod niya si Lukas...ang mga kaibigan naman niya ay tinungo ang mesa para sa handang almusal ng dalawang rebeldeng babae na nagsilbi sa kanila ng nakaraang gabi.

" Ate si Ka Andoy?" Tanong ni Daryll.

" Nauna na silang nag-almusal ni David....nasa labas lang si ka andoy si david ay sumama sa ilang kasapi namin para puntahan daw yung kinahulugan ng kasama ninyo....kaya maagang umalis."

Hindi na sumagot ang binatilyo at ipinagpatuloy nila ang pagkain. Nang matapos ay lumabas na silang lahat ngunit natatakot pa rin dahil ang nakikita nilang mga taong naroon na dumadaan sa lugar nila ay lahat may sukbit na mahabang baril.

Palinga-linga sila na hinahanap si ka andoy na nakita nilang nakaupo sa isang telang duyan nakasabit sa dalawang puno. Nakangiti itong kinawayan sila na tila pinapalapit.

Naunang naglakad si lukas at daryll kasunod ang mga kaibigan nila....nang makalapit ay umupo sila sa kawayang upuan na mahaba sa malapit lang sa matanda.

" Kayo ba'y nakapag-almusal na mga anak?"

" Opo lo, salamat po." Sagot ni Daryll.

" Gusto kong sabihin pala sainyo na umalis na ang labinlimang kong kasamahan....ang sampu ay tutuloy sa bayan ng Lopez at ang lima ay gagalugarin ang bangin na binagsakan ng kaibigan ninyo. Anumang kahihinatnan ay sana maging handa kayo....sa ngayon ay malamang hapon na makabalik yung sampu at makapagbalita sa atin ng pagkikipagusap nila sa pamahalaan. Yung lima kung positibo ang lakad nila ay makakabalik yun mga tanghali.....pero mga anak....humihingi na ako ng kapatawaran sa inyo kung anumang hindi magandang balita ang dalhin nila sa paghahanap sa kaibigan ninyo."

Hindi umimik ang magkakaibigan at nanatiling nakayuko lamang ang mga ito....

" Alam kong hindi kayo sanay sa ganitong pamumuhay.... Kaya ipinapangako ko sa inyo na makakabalik kayo sa inyong lugar.....sa ngayon ay baka gusto ninyong mag-ikot sa kuta naming ito....may ilog na malapit dito maari kayong magtampisaw o mamingwit ng isda dahil sagana ito.....may mga taniman din kami ng mga gulay at prutas maari kayong pumunta doon....huwag kayong mag-alala may sasama sa inyo hindi kayo mapapahamak."

Umuo naman ang magkakaibigan na tila na-excite sa narinig....nagulat na lang sila ng may lumapit sa kanilang tatlong rebeldeng lalaki at isang babae sa tingin ay halos kaedad lang nila ang mga ito. Nakangiti namang nagpakilala sa kanila ang mga ito kaya magaan ang loob na sumama sila.

" Bago magtanghalian bumalik kayo....magpapaluto ako ng masarap na tanghalian para sa ating lahat mga anak."

" Yessss grandpa este ka andoy! Bongga itey parang piknik lang!"
Napangiti na lang ang matanda ng batukan si ybonne ni ali.

Sa ilog ay nagtampisaw nga ang lahat at nagpaturo pa silang mamingwit....si lukas at daryll ay nakaupo lang sa batong malapad sa lilim ng punong mayabong na may mga bulaklak na maliliit na kulay pula....pag humahangin ay tinatangay ito pabagsak kaya napakagandang pagmasdan.

" Ano na kayang nangyari sa lopez? Hinahanap na kaya nila tayo? Si lolo manuel......sana ligtas siya." Si Daryll na kinakausap si lukas. Napabuntonghininga lang naman ang binatilyo sa tanong nito habang tinatanaw mga kaibigan nilang nakalublob sa tubig.

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now