Chapter - 44

441 33 251
                                    

Lumipas ang dalawang linggo....

GRANDPARENTS DAY

Friday at maaga pa lang ay marami ng tao sa buong campus. Para din itong fiesta ang tema para sa mga lolo at lola. Maraming mga booth tulad ng mga mabibiling pagkain, souvenier item, mga wellness item, pang relax tulad ng masahe at gupit. Masayang makita na akay ng mga kabataan ang kani-kanilang mga lolo at lola. May mga lolo at lola na matatanda na talaga at may mga bata pa ring tignan. Makikita sa kanilang mukha ang saya dahil sa nakikitang masayang atmospera sa paligid.

Magkakasamang dumating si lolo manuel, daryll at si benj. Hindi na sumama ang mga magulang ni Daryll dahil para naman iyon sa mga lolo at lola.

Maayos ang pananamit ni Daryll at lolo manuel na halos pareho. Nakalong sleeve na checkered na asul si lolo manuel at pula naman kay daryll na parehong nakatupi ang manggas sa may braso....pareho din na nakamaong at itinupi sa laylayan na nakatsinelas lang na goma. Dala naman ni Daryll ang lumang gitara ng matanda.

Natuwa ang mga nakakita dahil sa napakanatural ng dalawa sa kanilang mga suot......patungo sa pagdarausan ng okasyon ay naglalakad na ang tatlo ng makita ni lolo manuel ang dalawang pinanabikan niyang makita.

" ALICIA! ADOR! Diyaske kayong dalawa at pupunta pala kayo sa okasyong ito!"

" Sorpresa ito Manuel! Alam mo naman mapilit ang apo kong si Bonifacio kaya heto at sasayaw daw kami! Maski sa maynila na kami ayun sa skype lang kami nagusap ng apo ko at nagpraktis."

" Alam mo yang apo mo manang-mana sa kakuwelahan mo! Ikaw naman ador! Susmaryosep at nakatungkod kana! Mahina na bang mga tuhod mo?!"

" Ako na naman ang nakita mo! Matanda na tayo manuel at marupok na mga buto natin. Saka alam mo naman at na alta presyon ako....sa awa ng diyos nakabawi na ako."

" Eto nga pala si Daryll siya ang kaklase ni Ybonne, ito naman si Benj isang bisita nagbabakasyon sa bahay ko."

Agad nagmano ang dalawang binatilyo sa dalawang matanda.

" Kaawaan kayo ng diyos mga iho....kagu-guwapong mga bata ire....at mukhang kaybabait......si lukas ang apo mo nasaan?"

" Hindi ko alam....kaya itong si Daryll nagimbita sakin para magperform dito....ang apo ko naman ay walang pakialam tulad ng ama niya....kaya heto kasama ko sila....saka imbitado ako ng paaralan."

" Natural emmanuel! Ikaw ang pinakamalaking ambag sa okasyong ito...kala mo di ko malalaman." Nakangiting pahayag ni lola alicia.

Sa di kalayuan ay nakita na at nilapitan na nga sina daryll ng kanyang mga kaibigan....nagmano ito sa matatanda at binati si Benj na kasalukuyang nakaakbay kay daryll dahil matangkad ito sa binatilyo....habang tila nagngingitngit muli sa di kalayuan ang nakamasid na si lukas. Kasama nitong dumating ang ama. Bilang hepe ng pulisya ng bayan ay kailangan niyang bisitahin ang okasyon  para masigurado na walang hindi magandang mangyari lalo pa at ang mga grupong makaliwa o nagpapanggap na mga rebelde ay may mga pinaplanong pag-ganti sa napatay na mga kasamahan sa isang bayan. Si lukas naman ay ayaw niya ang nakikitang masaya at nakangiti si Daryll sa kasama nito pero pag  sa kanya ay nakasimangot ito.

Nasa ganoong kumustahan ang magkakaibigang mga matatanda ng biglang may nagsalita ng malakas sa likod ni lolo manuel.

" ABA NAMAN TALAGA! AT ANG MGA MATATANDANG ITO AT PUMUNTA PALA! BUTI HINDI NIRAYUMA!"

Napatingin si lola alicia at lolo ador na nakangiti sa nagsalita....lumingon naman si lolo manuel na napahalakhak na sa tuwa at nagyakapan pa sila ng bagong dating.

" OLIVIA! wala ka talagang pagbabago! Gusto mo espesyal pa rin ang iyong pagpasok! At pupunta ka rin pala! Nagagalak ako nagkita-kita tayo dito!"

" Ako pa emmanuel ang mawala sa okasyong ito....alam ko pupunta kayo.....nasasabik na rin ako syempreng makita kayo....matatanda na tayo eh.....maski naman wala na si Pablo ay dadalo ako."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now