Chapter - 56

395 29 112
                                    

Samantala kinausap naman ng doktor na ama ni daryll ang ama ni lukas sa ICU na kinalalagyan nito.

" Lemuel.....puwede ba kitang kausapin?"

Tumango si Lemuel at lumabas ang dalawa.....inanyayahan na sa opisina ng doktor sila magtungo.

" Kape?"

" Sige....salamat..."

Tahimik lamang na nakaupo si Lemuel at iniabot na sa kanya ng doktor ang kape.

" Kaya kita gustong kausapin dahil sa mga bagay na may kinalaman sa ating buhay sa nakaraan maliban sa kalagayan ng dalawa mong ama." Paunang pahayag ni Doktor Montealegre.

" Alam kong ibig mong tukuyin dok......hindi ko inaasahan ang mga bagay na ito....at isa sa pinagsisisihan ko ngayon ay ang sa taong nag-aruga sa akin noon si papa....ang gago ko! Ang sama ko sobra! Naging sarado ang utak ko sa mga bagay na hindi ko inunawa at inintindi! Hindi ko naisip na napakalaking bagay ang ginawa sa amin ng kapatid ko ni papa!"

" Mabuti at nagising ka na! Alam mo bang una ko pa lang kita kay lolo manuel sa papa mo ay alam kong mabuti siyang tao sa kabila ng nalaman kong pagkatao niya....hindi sa pagkatao hinuhusgahan ang isang tao kundi sa mga gawain niya.....alam ko na alam mo ang mga mabubuting bagay na ginagawa ng ama mo....pero hindi mo ito nakikita dahil bulag ka sa sarili mong galit na walang katuturan. May anak din akong tulad ni lolo manuel pero mahal at iniintindi ko ito dahil iyon ang nararapat, walang makakaunawa sa kanila ng walang paghuhusga kundi ang sariling pamilya.....nalaman ko na bata pa ay hindi na naging maganda ang buhay ni lolo manuel sa kanyang kinagisnang pamilya.....at nakakalungkot maging sa kanyang binuong pamilya ay hindi rin naging maganda....halos dalawamput limang taon tinikis mo ang ama mo Lemuel at sana hindi pa huli."

" Magulo dok sa totoo lang.....nalaman ko na lahat ng mga nangyari sa buhay ni Papa at maging sa tunay kong ama na siya palang matalik niyang kaibigan noon."

" Ang papa mo at ang tunay mong ama ay nagmahalan sa isat-isa noon na hindi nagkaroon ng saysay o katuparan. Maraming nangyari sa kanilang buhay ngunit hanggang ngayon naniniwala ako mahal nila ang isat-isa."

" Iba talagang maglaro ang tadhana.....pulis ako tapos ang tunay ko palang ama ay isang rebelde.....na siyang matalik at minahal na kaibigan ng taong umaruga sa akin."

" Magkaiba man kayo ng paniniwala o prinsipyo alam kong isa lang ang nasa puso ninyo ang pagmamahal.....hindi pa huli lemuel....ipagdasal natin na gagaling si lolo manuel at si papa."

Nagulat si Lemuel sa huling kataga na sinabi ng doktor.

" Papa???"

" Alam mo na di ba kapatid mo lang sa ama si luna?"

" Oo....nakuwento na ng anak ko....mga bagay na natuklasan nila tungkol sa tunay kong ama,ang naging buhay nito at pamilya....anak ako sa unang asawa at si luna na jessa ang tunay na pangalan ay kapatid ko lang sa ama. Ang ina ni Jessa ay may una ng anak na ang pangalan ay homer."

" Ako iyon Arnel.....ako iyon...ako si Homer!"

Ikinuwento na ng doktor kay lemuel ang mga bagay tungkol sa kanyang pagkatao. Hindi makapaniwala si Lemuel sa mga narinig at sa huli ay naging madamdamin na ang pag-uusap ng dalawa.

" Bata pa lang pala tayo magkakilala na tayo!....ang hirap isipin na pinagdaanan natin itong lahat....wala tayong magagawa kundi tanggapin. Nabago ang buhay natin dahil sa pangyayaring iyon sa buhay ni papa....iniisip ko pa lang na hindi na tayo nakita ni papa noon ay sobrang nasasaktan ako lemuel dahil ama rin ako.....ikaw ama ka rin....yung ipinaramdam mo kay lolo manuel sa mahabang panahon alam mo bang sobrang sakit non."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now