SPECIAL CHAPTER

502 37 287
                                    

" Tita si Daryll?!"

" Naku iho! Mabuti pa akyatin mo na sa kuwarto niya!"

" Bakit? tulog pa po ba?"

" Sinabi mo pa iho! Mukhang nasanay na naman sa bakasyon at nakalimutang enrollment nyo na ngayon."

" Sige po......kuya david sandali lang aakyatin ko lang si sleeping beauty."

Napangiti si David at nakangiti namang napataas ng kilay ang ina ni Daryll.

" Sige lang prinsipe lukas, gisingin mo na ang prinsesa mo."
Pagbibiro ni David.

" Kuya! Patawa ka!"

" Affected iho?! Goooo akyat ka na sa kuwarto ng prinse...este ng anak ko."

Napakamot na lang ng buhok niya si lukas na umakyat na sa silid ni Daryll. Pinihit niya ang seradura at bumukas ito....kaya tumuloy siyang dahan-dahan. Napakamot siya ng ulo ng makitang nakahiga pa si Daryll na nakatagilid at nakaharap sa bintana. Wala itong damit maliban sa boxers short. Kita niya ang maputing likod nito. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa harap ng binatilyoooop para gisingin. Muntik na siyang mapahagalpak ng tawa ng makitang nakaawang ng bahagya ang bibig ni Daryll at may tumulo pang laway sa unan. Natatawang kinuha ni Lukas ang kanyang cp at kinunan ng larawan ang mukha ng binatilyo.

Dahil hindi pa rin magising ito ay umupo siya sa kama....niyugyog ang binatilyo ngunit walang reaksyon. Hanggang sa nakaisip ito ng kalokohan......humiga ito sa tabi ni Daryll at patagilid na humarap sa likod nito at niyakap ang katawan at idinantay mga hita sa mga hita din ni daryll na tatawa-tawa. Ngunit hindi pa rin magising kaya mas lalong hinigpitan niya ang yakap sa katawan ng tulog mantikang binatilyo.

" Ang lambot naman ng katawan mo.....at ang bango mo pa rin kahit naglalaway ka." Sabay singhot ni lukas sa may batok ni daryll at hagikhik.

Doon ay nagising na ito dahil sa naramdamang bigat at mainit na hininga sa kanyang batok.

" Huh! Anong ginagawa mo dito! Nyemas ka! Bakit ka nanyayakap ha?!"

Halakhak naman ang sagot ni Lukas.

" Sus! Enjoy ka nga eh!"

" Buwisit ka! Ang feeling mo noh!" Nakapamewang na sagot ni Daryll pagkatayo mula sa kama.

" Punasan mong laway mo tumulo sa unan mo." Sabay tawa ni Lukas.

" Labas ka na nga dito! Bakit ka ba nandito natutulog pa ako!"

" Oy buang ka! Enrollment natin ngayon 4rth Yr na tayo! Si kuya david nasa baba hinihintay na tayo kaya bilisan mo diyan!"

" Ha?! Oo nga pala! Baba ka na nga doon maliligo na ako!"

" Sige bababa na ako....pero sa isang kundisyon!"

" Bakit ba?!"

" Dito ako matutulog mamayang gabi at ililibre mo ako ng meryenda mamaya sa school!"

" Ambisyoso ka! Bakit ko naman gagawin yan?!" Naka cross arms na sagot ni Daryll.

" Kailangan mong gawin....dahil kung hindi.....ipo-post ko ito sa fb!"

Sabay takbo at tawa ni Lukas pababa.

" MAMAAAA!!!!!" Sigaw ni Daryll.

" My God iho! Anong ginawa mo sa anak ko! Bakit siya sumisigaw! Dont tell me?! Oh my God!"

------------------------------------------------------
Mami-miss ko kayo Emman, Arman, Daryll at Lukas. :)

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now