Chapter - 48

400 32 91
                                    

Para po sa mga taong nag-iibigan na hindi puwedeng magsama.....para sa taong matagal na panahon mo ng minahal, pero hindi mo alam kung ikay mahal din......para sayo na totoong nagmamahal pero hindi makita ang katapat na pagmamahal......Para sa lahat na nagmamahalan na pinaghiwalay ng tadhana at panahon.....para sa mga naniniwalang may forever.
..at para na rin sa mga bitter sa forever. :)

Kung may pagmamahal laging may pagasa. :)

------------------------------------------------------

" Mga ate.....yung matanda po kanina.......siya po ba ang pinakapinuno ninyo dito?"

" Wala dito sa ngayon ang pinakapununo namin....pero dati siya ang pinuno dito....matanda na rin kasi kaya gusto niya manatili na lang dito sa kuta....pero magaling iyon noong kapanahunan niya......bihira ang patayan at gantihan ng mga rebelde at militar dahil sa mga pag-uusap ng bawat partido....iyon ang gusto ni Ka Andoy o Lolo Andoy ang magkaroon ng kapayapaan bawat partido bagamat magkaiba ang prinsipyo at paniniwala.

" Lolo Andoy?!" Tanong ni Daryll.

" Oo.....Armando Capistrano ang tunay niyang pangalan....noong kabataan niya siya si Ka Mando, iniba niya ito ng magkaedad na siya at naging Ka Andoy." Paliwanag ng nakatatandang rebeldeng babae.

Natigilan si Daryll na napahawak sa bibig....pakiramdam niya ay mas malakas pa sa pagsabog ang pangalang narinig niya at hindi siya nagkamali sa narinig. Ito ba ang taong matagal ng hinahanap ni lolo manuel? O kapangalan lang.

Nagtataka naman si Lukas na nasa harap ng binatilyo sa reaksyon nito. Ang babaeng nagsilbi naman ay napansin agad siya.

" Iho....may problema ba?"

" Ah....eh...wala po....nakagat ko lang po dila ko....baka may nakaalala."

" Ganernnn frendd kasama na nga assumera  ka pang naalala ka." Biro ni Ybonne.

" Tumigil ka na nga sa mga biro mong ganyan bonifacio! Hindi ka ba natatakot sa nangyaring ito sa atin?! Eto nga buhay pa tayo pero hindi natin alam kung makakauwi tayo! Sa tingin mo ba babalik sa dati ang masaya nating buhay?! Nawalan na tayo ng kaibigan at ngayon hindi natin alam kung buhay pa siya o wala na! Si lolo manuel, nakita nyo di ba nangyari?!" Si Gabriella na napaiyak na habang kumakain. Tumigil at napayuko na lang si Ybonne....pinakalma naman ni Alexis ang kaibigan na hindi na tumigil sa pag-iyak.

" Nawalan kamo kayo iha ng kaibigan? Kasama nyo ba papunta dito? At yung lolo manuel?" Tanong ng mas batang babaeng rebelde.

" Opo ate.....binaril po siya nung ka berto tapos nahulog na sa bangin at hindi namin alam ngayon kung ano ng lagay niya. Tapos si lolo manuel dun po sa bayan namin habang itinatakas nila kami ay binaril si lolo...lolo po siya ni Lukas." Sabay turo ni Daryll sa binatilyo.

" Hayop talagang Berto na yan! Hindi dapat kasapi sa kilusan ang taong iyon! Nandadamay siya ng sibilyan!"

" Ate.....ano pong gagawin sa amin ni lolo ar.....ni ka andoy?"
Tanong ni Daryll.

" Sa ngayon hindi ko kayo masasagot....pero dahil si ka Andoy ang nagpatawag ng pulong para sa nangyaring ito ay huwag kayong mangamba....hindi kayo mapapahamak....mabuting tao at pinuno si Ka Andoy.....malapit siya sa mga kabataang tulad ninyo."

" May asawa po ba siya?" Tanong ni Lukas.

" Hindi palakuwento si Ka Andoy ng naging buhay niya noong kabataan pero ang ilang matatanda na dito ay may iilang may alam."

" Kahit Po isang bagay tungkol sa kanya wala kayong alam?" Tanong ni Daryll.

" Ang tanging alam ko ay dating taga Lopez Quezon siya."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon