Chapter - 4

637 40 34
                                    

Lumipas ang dalawang araw at naayos na rin ang mga dapat ayusin, baguhin at idagdag sa bagong nilipatang tahanan ng pamilyang Montealegre.

" Ma, sa linggo pala luluwas na kami ng Maynila ni Dionne. Aayusin na namin pag enroll and to buy things na rin para sa school."

" Pahahatid ba kayo kay manong omar nyo?"

" Huwag na pa, may mga bus naman na sa bayan saka lapit na lang naman nito sa maynila. Baka nga everywk makauwi kami."

" Ok kayong bahala, basta magingat kayo....yung kotse sa bahay natin dun dean ingatan mo."

" Yes pa."

" This wk na din titira dun si ate jenna nyo....huwag kayong pasaway lalo ka na dean!"

" Ma, good boy to."

" Ang saya naman, buti pa kayo ate doon na sa maynila mag aaral."

" Bakit daryll, gusto mong sumama sa amin? Sabihin mo na kay papa at mama para magbalot balot ka na rin hahaha."

" Tukmol ka talaga kuya! Hindi noh, ayoko kayang umalis gusto ko malapit lang ako kay mama at papa!"

" Hmmm bunso ngayon yan ang sinasabi mo pero pag nagka gf o bf ka ahaha siguradong gala ka na haha."

" Grabe ka ate! Hindi ako ganun noh! Hindi ako magbo boyfriend, at saka parang diko trip mag gf hmp!"

" Sa pogi mong yan, bf at gf siguradong magkakaroon ka hahaha!"

" Ma si kuya oh?!"

" Anak ano naman masama sa sinasabi ng kuya mo, ang gusto namin naman ng papa ninyo kung may mga gf o bf na kayo ay sasabihin ninyo sa amin. Pinagdaanan din namin yan, ang sa amin lang ay gabayan kayo ng tama at huwag lalagpas sa limitasyon.......pero anak kaibigan mo lang talaga yung nakita naming kumakaway sayo pag alis natin ng Naga, nag txt na ba sayo, txtmate na kayo? Hmmmm guwapo yun anak." Nakangiting biro ng mama ni Daryll.

" Ma naman eh! Pinagtutulungan nyo ako! Wala yun noh!"

" Mama uso yan ngayon, bakit ang mga guwapo may boyfriend ahahaaa." Si Dionne.

" Kainis naman lagi na lang ako ang pinagtitripan dito hmp!"

" Dont worry anak mamaya sama ka kay mang omar punta kayo ni mang omar sa bayan."

" Bakit po ma?"

" Binigay na sa akin ng daddy mo ang pambili mo ng laptop, di ba third yr ka na. Yun promise nya para di ka na humihiram sa kuya at ate mo."

Sa narinig ay napatayo si Daryll nakataas ang dalawang kamay na hawak pa ang kutsara at tinidor sabay sigaw.....

" Yessssssss! Woohoooooo!Thanks Pa!" Sabay yakap sa papa niya.

" Ma, yung sakin luma na rin eh."  Si Dean.

" Anak ok pa naman yun ah 2 yrs pa lang."

" Hahahaha si kuyaaaa! Blehhhhhhh!!" Pang aasar ni daryll sa kuya niya.

" Kayong dalawa pagbutihin ninyo ang pag aaral ninyo sa manila.....pag nakita ko na magaganda mga grades nyo....then pagbibigyan namin ang hiling ninyo basta ba maging maganda ang pagaaral ninyo."

" I can be on top this sem ma promise yan!"

" Yabang mo kuya!"

Nang matapos ang breakfast ay muling nagikot ikot si Daryl sa buong kabahan pinuntahan niya ang attic ng bahay at doon niya nakita ang mga bagay na matagal ng nakatago ng ilang dekada. Mga naiwang gamit ng unang pamilyang tumira dito.

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )On viuen les histories. Descobreix ara