Chapter - 7

603 38 71
                                    

Hapon ay napagpasyahan ng papa ni Daryll na magsimba silang mag anak sa bayan.

Alas singko ng hapon ng sila ay dumating sa naturang simbahan. Maguumpisa na ang misa at sila ay sa gitnang bahagi ng mga upuan pumuwesto. Sa gilid sa aisle ay nakapuwesto si Daryll kaya nakikita agad niya mga dumadaan sa gitna at ang mga nasa gilid.

Nakita niya na nasa may gilid ng altar ang choir group ng simbahan. Doon ay nakita niya nga ang mga bagong kaibigan.

Nagsimulang kumanta ang choir at nagsimula na rin ang misa. Habang nagbibigay ng sermon ang pari ay nagulat si Daryll sa may likod niya. Naroon ang matanda na nakatira sa tapat nila. Ngumiti ito sa kanya na nginitian din niya.

Nagpatuloy ang misa hanggang sa huling bahagi ng misa ang pagtanggap ng banal na hostia. Nauna ang mama at papa ni Daryll at ng matapos ay tumayo din siya. Habang naglalakad na nakayuko ay hindi niya namalayan na may biglang tumayo din sa may gilid ng aisle at di niya namalayan, malaking lalaki base sa katawang nabangga niya kaya natumba siya paatras buti nasalo siya ng nasa likod niya na walang iba kundi si lolo manuel.

Nagkatinginan si Daryll at ang binatilyong halos kaedad lang niya.

" Tssss! Lampa!"

" Yabang mo ah!"

" Apo hindi magandang asal yan, humingi ka man lang sana ng paumanhin.."

" Hindi ko kasalanan! Siya itong tanga eh, di tumitingin sa dinadaanan niya!" Tugon ng binatilyong nakabanggaan ni Daryll.

" Eh di sana umiwas ka para di na ako bumangga sayo!" Si Daryll.

" Hayaan mo na apo, nasa simbahan tayo."

Hindi na umimik si Daryll at tumingin na lang ng masama ito sa binatilyong nabangga.

Dalawang pari ang nagbibigay ng hostia kaya sa magkabilang panig ang dalawa pumila halos sabay silang umuusad sa pila. Si lolo manuel naman ay nasa unahan na ni Daryll dahil pinauna na niya ito. Habang nakapila ay nakikita ni Daryll sa peripheral vision niya ang pagngisi ngising tingin sa kanya ng binatang nakabangga.

Nang biglang may sumutsot kay daryll ang mga bagong kaibigan niya. Kinawayan niya ang mga ito na tumugon ding nakangiti sa kanya.

" Kaibigan mo palang mga abnormal na yun?! Hahaha!"

" Hindi kita kinakausap kaya huwag mo akong kausapin! Kala mo kung sino ka!"

Naramdaman niyang parang tinapakan siyang marahan ni lolo manuel sa harap niya kaya tumahimik si Daryll.

Halos sabay din silang natapos ng binatilyo at sabay na naglakad sa gitna. Nakayuko lamang si daryll samantalang ang binatilyo at tila modelong nakapamulsa na nakangiting naglalakad.

Darylls POV

Ka badtrip naman! Unang simba ko dito isang mayabang pa ang naka enkuwentro ko agad grrrrrr! Ang yabang akala mo sa kanya ang gitna kung makalakad, feeling modelo yakkkkk ang yabang.

Naunang naupo ang binatilyo na nginisihan pa ang nakayukong si Daryll. Bago umupo ay ngumiti muna siya kay lolo manuel na nakaupo na sa likod niya.

Nang matapos ang misa ay unti unti ng nagsilabasan ang mga tao. Nanatili lang nakaupo muna sina Daryll at dumaan pa sa harap niya ang nakabanggaang binatilyo na nakangisi pa rin sa kanya kaya itinaas niya sa kisame ang tingin.

" Ang taray!!" Parinig nito sa kanya pagdaan sa gilid niya.

Hindi na lang pinansin ito ng Binatilyo at ilang saglit lang ay tumayo na rin sila. Paglingon niya sa upuan ng matanda ay wala na ito.

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now