Chapter - 54

402 30 72
                                    

Sa kinalalagyan ni ka andoy ay makikitang hindi na ito gumagalaw....duguan ang katawan habang bahagyang nakapikit ang mga mata.

Ka Andoy/Lolo Arman POV

Panginoon......alam ko na nakagawa ako ng mga bagay na labag sa iyong batas.....ngunit iyon ay nagawa ko lang bilang pagtatanggol sa prinsipyong ipinaglalaban ko at sa aking sarili......patawarin mo ako panginoon.....humihingi ako ng kaunting panahon pa....gusto kong makita ang aking mga anak at ang aking pinakamamahal na si Emmanuel....panginoon nagsusumamo ako....patawad po.

Hindi pa man lubusang naipipikit ni ka andoy ang kanyang mga mata ay nakarinig na siya ng mga yabag at nakita niya ang mukha ng kanyang apo na naluluha....katabi ang isang lalaki na naka unipormeng pulis na alam niyang walang iba kundi ang kanyang anak na si Arnel.....iniangat ni Ka Andoy ang kanyang kamay ng bahagya kaya napahawak dito si Lemuel/Arnel sa pagdaiting iyon ng palad ni ka andoy at ng kanyang anak ay isang ngiti ang sumilay sa labi nito kasabay ng pagpikit ng mata at pagtulo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata......karimlan at bago mawalan ng kamalayan ay ang malakas na sigaw ni lukas at daryll ang narinig niya at mga kamay na bumuhat sa duguan niyang katawan.
.
.
.
.
.
.
.
Ilang saglit ay wala ng maririnig na mga putukan....makikita ang mga rebeldeng patay na iniipon sa isang tabi at ang mga sugatan ay nilalapatan ng lunas at dinadala papunta sa lugar kung saan naroon ang mga helicopter ng militar.....makikita ring may mga media na bumaba sa dumating na helicopter at kino-cover ang naganap.

Isinakay na ang mga kaibigan ni Daryll sa helicopter ngunit hindi sila sumama ni lukas.....naroon sila sa tabi ni ka andoy na isinakay na rin sa ibang helicopter kasama si David na himalang buhay at may malay ito....pero si ka andoy ay nasa delikadong kalagayan....nasa tabi ni lukas na hawak ang kamay ng kanyang lolo ang kanyang ama na nakatitig lang sa kanyang lolo.

" Pa.....kailangang mabuhay si lolo andoy.....kailangang magkita sila ni lolo manuel pa.....kailangan."

" Anong ibig mo bang sabihin?"

" Ikaw pa ay panganay na anak ni ka andoy........nahiwalay ka sa kanya ng nilusob ng mga militar ang lugar ng kanyang pangalawang asawa sa Ragay.....taga doon ito at si Tita Luna ay kapatid mo sa ama!"

" Naguguluhan ako anak?!"

" Pa!.....alam mo na hindi nakuwento sayo ni lolo manuel kung pano niya kayo inampon ni tita....pero siguro naman may alam ka na sa mga nangyari noon! Ikinuwento sa akin ni Daryll ang mga ikinuwento ni lolo at napag-ugnay na namin ang lahat dahil sa larawang ito!"

Agad kinuha ni lukas ang mga larawang nasa kanyang bulsa na ibinalot sa plastik at ipinakita sa ama.

" Ako ito anak! Sino itong iba?!"

Si Daryll ang sumagot.

" Yan po ang kapatid ninyo sa ama ang sanggol at yang isang halos kaedad ninyo ay anak ng pangalawang asawa ng ama ninyo siya si Homer at ikaw si Arnel at ang kapatid mong babae ay si Jessa. Armando Capistrano ang ama nyo po siya si Ka Andoy....at yang isang iyan na sugatan ay pamangkin ninyo si David....apo siya ni ka andoy sa pangatlong asawa niya." Sabay turo ni lukas sa kay david na nakahiga sa lapag ng helicopter.

" Kung ganun sinong aking ina?!"

" Namatay siya noong ipinanganak kayo pa sa bundok kung saan kayo nakatira. Kasapi sa kilusan si lolo at ang asawa niya, ang mama mo."

Sa paglalakbay habang nasa helikopter ay naisalaysay na ni daryll at lukas ang iba pang mga rebelasyon sa buhay ni lolo manuel, lolo arman kay Lemuel/Arnel bagamat hindi lahat at maingay habang nasa himpapawid ay naintindihan naman niya ito. Ang daming naglalaro sa isip ni Lemuel habang pinagmamasdan ang hindi nakilalang ama.....hanggang sa nakarating na sila sa isang kampo ng militar sa Lopez. Doon ay maraming sumalubong sa kanila....mga kamaganak ng mga kabataang na hostage, mga media na galing pa sa maynila at mga taong nag-uusyuso lang.

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Onde histórias criam vida. Descubra agora