Chapter - 34

364 32 56
                                    

" Dalawang araw bago ang aming pagtatapos ng sekondarya.....ay nangyari ang ni sa panaginip ay hindi ko napanaginipan....mas masakit pa sa katotohanang hindi ako tunay na anak ng kinilala kong magulang, mas masakit sa ginawang pamamahiya ni Olivia sa aking pagkatao...."

" Ano po bang nagyari lo?"

" Ensayo namin para sa pagtatapos ng umagang iyon....lahat kami ay nasa malawak na field dahil dun gaganapin ang seremonya....pagkakatanda ko ay dalawang oras na yata kaming nag-eensayo....pati ang talumpati na gagawin ko ay aking ini-ensayo....ngunit nagpaalam muna ako sa aming adviser na sa library na muna ako dahil may babaguhin ako sa aking talumpati dahil sa mga bagay na natuklasan ko sa aking tunay na pamilya......dala ang aking mga gamit ay nagtungo ako ng library at nanatili doon....bago ako nagsimula ay kinuha ko muna ang aking talaarawan.....nagsulat ng konti para sa ginagawang pag-eensayo....saka muli ko itong isinara at inilapag sa harap ko sa mesa....nagsimula akong gumawa ng pagbabago sa aking talumpati....hanggang sa tinawag ako ng librarian at kinausap....binati lang niya ako dahil sa ako daw ang valedictorian....hanggang sa muli akong bumalik sa table ko....ilang saglit lang ay dumating mga kaibigan ko....."
.
.
.
" Emman....mamaya naman daw na ala una ang ensayo....magtanghalian na muna tayo."
.
.
.
" Sabi ni Arman sa akin....kaya magkakasama na kaming nagtungo sa kantina........ngunit sa paglabas namin...ay may mga estudyante na tumitingin sa akin...ang iba ay tumatawa ang iba nagbubulungan at ang iba ay wala lang na napatingin....maging sa kantina ay may mga tumitingin sa akin....nakita pa namin si Olivia sa isang mesa kasama mga kaibigan niya, nagbubulungan at tumatawa na tumitingin sa amin....nabubuwisit si Alicia at Salvacion at balak sugurin ito pero pinigilan ko.....hindi nagtagal ay umalis ng kantina ang grupo ni Olivia......naiwan kami at pagkalipas ng tatlumpong minuto ay tumuloy na kaming muli sa classroom namin.....ngunit labis ang pagkagulat ko pagpasok ko dahil sa nakasulat sa pisara."

" Ano pong nakasulat lo???"

" Malaking letra nakasulat ay EMMANUEL A. MONTECILLO BAKLA! ALANGANIN! MAHAL ANG MATALIK NA KAIBIGAN SI ARMANDO CAPISTRANO!"

" Dioskopo lo! Sinong may gawa nun?!"

" Agad kinuha ni Salvacion at Alicia ang pambura at binura ito."
.
.
.
" Kahit burahin ninyo pa yan! Wala na kayong magagawa! Kalat na ang totoong pagkatao ng kaibigan nyong bakla! Sinong magaakala na bakla ka pala, sa ganda mong lalaki Emmanuel pero ako naghihinala na noon pa!....Grabe nakakadiri bakla ka pala Emmanuel! At ang kaibigan mo pang matalik ang mahal mo at malamang pinagnanasahan! Nakakatawa mapagkunwari ka! Nagsulat ka pa sa talaarawan mo ng....ayokong kasuklaman ako o pandirihan ni arman kung sakali mang malaman niya ang tunay kong pagkatao....kaya lang hindi ko mapigilang mahalin siya dear diary...mahal ko ang kaibigan ko!!! Kasuklam-suklam at nakakadiri ka Emmanuel!!"
.
.
.
" Hindi ako nakaimik ng tuluyan sa pagkabigla, pakiramdam ko ay mamatay na ako ng oras na iyon...nagkatinginan kami ni Arman at nakita ko sa kanyang mga mata ang di ko mawaring tingin...hindi ko alam kung galit, pandidiri o pagunawa. Si Salvacion at Alicia ay agad sinugod si Olivia. Sinabunutan ito at pilit na inginudngod sa mukha nito ang pambura ng pisara....naawat sila ng mga kaklase namin pero kita ko na maraming sampal natanggap ni olivia."
.
.
.
" Walang nakakadiri sa pagiging alanganin Olivia! Walang ginagawang nakakasuklam si Emmanuel! Ang nakakadiri at nakakasuklam ay ang mga bagay na gawain ng isang tulad mo!!!"
.
.
.
" Si Vacion na walang tigil sa pagsabunot kay Olivia na hindi nakahuma sa dalawa kong kaibigan."
.
.
.
" Alam mo lo! Hindi lang sampal, sabunot kung ako! Tadyak! Babasagin ko pa panga niya! At hiihiwain ko ang balat niya sa mukha at papatakan ko ng asido!"

" Masyado kang brutal apo....agad akong tumakbo paalis sa lugar na iyon...umiiyak na yata ako at diko na matandaan mga nakabanggaan ko sa pagtakbo....hanggang sa nakalabas ako ng campus tumakbo akong patungo sa plaza.....mainit ang araw kaya hapong-hapo ako ng makarating doon....sa isang lilim ng puno ay doon ko ibinuhos ang luha ko....halo-halong emosyon nararamdaman ko, Pagkabigla, lungkot, takot dahil sa alam na ni arman at malamang baka makarating sa bahay ang balitang iyon sa kinikilala kong magulang....hindi ko man sila tunay na magulang ay natatakot pa rin ako sa sasabihin nila....pati na rin ng mga tao sa lugar namin kung sakali man."

" Pero lo....panong nalaman ni Olivia?"

" Yung talaarawan ko....hindi ko napansin na nawawala na pala doon pa lang kami sa library....tinignan ko sa bag ko ngunit wala ito.... Itinago ni olivia at binasa ng oras na makuha niya na diko alam."
.
.
.
" Hayop talagang babaeng yun!"

" Nanatili ako dun at makalipas mahigit dalawang oras ay nakita nila ako at patakbong lumapit sa akin...hinanap daw nila ako....huwag na daw akong mabahala dahil kinausap na nila mga guro....harapin ko na lang daw ang lahat dahil nangyari na....ipinaliwanag nila sa akin na walang nagbago....ako pa rin si emman na iniidolo ng lahat bagamat may tatawa at mangungutya ay hayaan ko na lang daw......nasabi ko na din na nawawala ang talaarawan ko marahil na kay olivia iyon dahil sa sinabi nito."

" Malamang lo! Sinabi nga niya na nabasa niya! Kaya nasa kanya iyon!"

" Magkakasama kaming bumalik, tahimik lang ako na naglalakad na yumuyuko paminsan-minsan...may mga nagsasabing ok lang daw kahit ano pa ako pero di naalis may mga magtawanan....hinanap namin si Olivia ngunit hindi namin ito matagpuan.....walang makapagsabi kung nasaan ito.....isa pang ipinagtaka namin ay maging si Arman ay nawawala....tuloy ang ensayo at pagkalipas ng dalawang oras ay natapos din.....hindi na namin nakita si Arman maging si Olivia."

" Lo?! Sigurado ka bang kaibigan mo talaga si Arman?! Hindi kaya magkasabwat sila sa pamamahiya sayo?"

" Hindi apo....kilala ko si Arman at ng panahong iyon hinding-hindi niya iyon magagawa sa akin........magkakasama na kaming umuwi ng mga kaibigan ko noon......sa pagpasok ko sa loob ng aming bahay ay labis na pagkabiglang muli at takot ang namayani sa katawan ko ng makita ang mga taong naroon."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
" MABUTI NAMAN NAKAUWI KA NA!!! NAGHANAP KA PA BA NG LALAKI SA BAYAN TULAD NG MGA ALANGANIN DOON!!!"
.
.
.
" Si papa at nakita kong hawak niya ang talaarawan ko.....nakita ko din naroon si Olivia na parang demonyo na nakangisi sa akin....halos marinig ko na ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba habang lumalapit sa papa ko at sa mama ko para magmano. Ngunit isang malakas na sampal ang ibinigay ni mama, para mapaupo ako sa sofa...maging si papa ay sinampal, sinikmuraan at sinipa ako...hanggang sa napadapa na ako sa sahig at nalasahan ko na ang mga dugo sa bibig ko."

" Diosko lo! Binugbog ka ng papa mo?!"

" Oo apo.....sumigaw si ate na tama na daw pero agad akong itinayo ni kuya hila ang kuwelyo ko....halos di na ako makagalaw dahil sa sakit sa tiyan ko....."
.
.
.
" TIGNAN MO NGA NAMAN! AKALA KO REUNION MANGYAYARI SA DARATING NA ARAW! NGAYON PA LANG PALA AY GUMAWA KA NA NG PALABAS! SINASABI KO NA NGA BA NOON PA MAY PAGKA-ALANGANIN KA! KAHIHIYAN KA SA PAMILYANG ITO AT BUTI NA LANG HINDI KA NAMIN TUNAY NA KAPATID! PERO BIBIGYAN KITA NG LEKSYON BAKLA KA PARA MAALIS PAGKABAKLA MO!!!"
.
.
.
" Si kuya na halos magliyab sa galit ang mata....agad niyang sinuntok ako sa mata at sinipa ng matumba ako....itinayo ulit niya ako.....at muling sinuntok ng maraming beses....sobrang sakit na at lumalaban na ako pero wala akong panalo sa kanya dahil mas malaki siya sa akin....naririnig ko si ate na itigil na daw...si mama nakatingin lang at si Olivia kita ko ang tuwa sa mata niya."

" Diyosko lo! Sobra sila! Ganun ba sila kasama at ni kaunting pagunawa at pagmamahal sayo ay wala?!"

" Wala apo......sa oras na iyon ay wala akong maramdaman.....hilong-hilo na ako at pakiramdam ko papatayin ako ni Kuya at papa.....hanggang sa paggapang ko nakarating ako sa may hagdan at nakatayo ngunit isang malakas na sipa ulit ni Papa ang nagpatumba sa akin para malakas na tumama ang aking ulo sa poste ng hagdan....napahiga na ako dun....at nakita ko pa sa taas ng hagdan si lola na kasama si Manang habang inaalalayan ito na makababa."
.
.
.
" DIYOS NA MAHABAGIN!!!! ANONG GINAWA NINYO SA APO KO!!!"
.
.
.
" Yun ang huli kong narinig bago pa ako mawalan ng malay."
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
----------------------------------------------------

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu