Chapter - 40

393 33 44
                                    


" Hindi ko tunay na anak si Lemuel.....hindi ko tunay na apo si lukas iho."

" HA?!!" Si daryll na nagulat sa rebelasyon ng matanda.

" Hindi namin siya tunay na anak ni Salvacion."

" OH MY GOD! LOLO SI SALVACION NAPANGASAWA NINYO?!" Napatayo pa si Daryll na nagulat lalo sa mga narinig....maging mga magulang niya ay nagulat din....batid na din nilang ang Salvacion na asawa ni lolo manuel ay siya ring matalik nitong kaibigang babae noon.

" Lo?! Ang dami ko pang hindi nalalaman upo ka rito! Dioskopoooo diko akalain ito! Paanong nangyari na si Vacion napangasawa ninyo?"

Natatawa na lang ang matanda pati mga magulang ni daryll sa pagka interes nito sa buhay ni lolo manuel.

" Pinikot ako ni Vacion noon....."

" HA?????!!!!!" Reaksyon ni Daryll pati ng kanyang mga magulang.

Nakatingin naman sa kanila ang matanda na natawa sa reaksyon ng tatlo.

" Biro lang mga anak......noong pagbalik ko dito sa Pilipinas ako nga ay nakapagtrabaho sa Hospital kung saan nagtatrabaho din si Salvacion. Mas lalo kaming naging malapit noon.....at doon nga ay nalaman ko na mahal na niya ako noong kabataan pa namin....nabigla ako pero naawa ako kay vacion ng makita ko itong umiiyak.....alam daw niyang wala siyang laban kay arman dahil noon pa man ay ito na daw ang mahal ko....ipinagtapat din niya na naroon siya sa huling araw na nagkausap kami ni Arman....kaya nangako siya na kahit anong mangyari ay hihintayin niya ako kung akoy babalik....at iyon nga ang nangyari na ikinasaya niya."

" Pero lolo....tanggap ba niyang  talaga ikaw? At si arman...tanggap ba niya kung ano ito sa buhay mo?"

" Mahal na mahal ako ni Vacion kaya tanggap niya ako.....inirerespeto niya anumang nakaraan ko namin ni arman......pero hindi na talaga bumalik si Arman.....1973 ng mangyari ang di inaasahan.....kaarawan ko nalasing kami pareho ni vacion sa bahay ko....at may nangyari sa amin."

Biglang tinakpan ni Daryll ang kanyang tenga....

" Wahhhhh! Lolo naman eh...spg na yan!"

Naubo sa pagtawa ang matanda.....kung saan natatawa na din ang magulang ni Daryll.

" So....lolo.......lalaki kayo?" Nakangiting tanong ng papa ni Daryll. Napangiti na lang din ang matanda.

" Lalaki ako dok....lalaki ang katawan ko....marahil sa pagkakataong iyon ay nadala na ako sa init ng katawan." Natatawang pahayag ni lolo manuel.....nakasimangot namang nakatakip pa rin ng tenga niya ang binatilyo kaya natatawa sa kanya ang tatlo.

" Doon ko napatunayan na kaya ko palang gampanan ang pagiging isang asawa, isang lalaki sa isang relasyon bagamat nagmamahal ako ng isang lalaki."

" Ayos yun lo! So....bakit hindi kayo nagkaanak ni Salvacion?" Usisa ng papa ni Daryll.

" Maraming beses naming sinubukan noon pero wala talaga....isang taon na at doon namin nalaman na baog si Salvacion....sobrang nalungkot kami noon pero maluwag naming tinanggap sa tulong ng mga kaibigan namin."

Saka lang sumali muli sa usapan ang binatilyo.

" Nagpakasal ba kayo ni Salvacion lo?"

" Oo naman apo....tanggap ako ng pamilya ni vacion at masaya sila sa aming dalawa."

" Eh pano pong napunta sa inyo ang papa ni lukas?"

" Sa Hospital na pinagtatrabahuan namin ni Vacion.....ilang linggo na siyang nanatili doon....sa aming tantiya ay mga tatlong taon na siya....at yung kapatid nitong babae ay sanggol pa."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now