Chapter - 19

555 31 28
                                    

Emmanuel's POV

Araw ng linggo kasama ko aking pamilya na nag aalmusal. Tahimik at tanging mga tunog ng kubyertos ang maririnig.

Nang magsalita si Papa...

" Kailan ang balik nyo ng maynila Salvador, Miranda?!" Tanong ni papa habang kumakain na hindi naman tumitingin sa dalawa kong kapatid. Sa maynila kasi sila nag-aaral dahil nasa kolehiyo na silang pareho.

" Sa susunod na linggo po papa." Sagot ng kuya ko.

" Ihahatid ko kayo sa pagluwas ninyo dahil may aasikasuhin kami ng mama mo doon."

Sa narinig ko ay tuwa ang aking naramdaman dahil malaya akong makakapaglaro ng ilang araw. Napatingin ako sa lola ko at isang ngiti ang ibinigay niya sa akin. Kaya ngumiti din ako at sabay yuko sa pagkain.

" Emmanuel!?"

Nagulat ako sa biglang tawag ni papa." Opo papa, bakit po?" Natarantang sagot ko.

" Mamayang gabi sa ating hapunan ay inimbitahan ko ang bagong lipat na pamilya sa tapat nating bahay. Gusto ko na makilala ang pamilyang iyan. Mukhang isa silang pamilyang nabibilang din sa altang pamilya sa bayang ito. Kaya gusto kong maghanda ka ng piyesa sa piano para sila ay mabigyan ng aliw sa pagdalaw dito sa ating bahay. Maliwanag ba emmanuel?!"

" Opo papa!" Sa sinabing iyon ni papa ay saka ko lang muling naalala ang nakilala kong bata na si Arman na tatlong araw ko ng di nakikita.

Kinahapunan ay nagsimba muna ang aming pamilya. Katulad ng dati ay sa unahan kami nakaupo. Ganun naman palagi, gusto ni papa at mama ay nasa prentera sila para mapansin ng mga tao at paguusapan. Kung gaano ka relehiyoso ang pamilya ko ay iba ang tunay nilang pagkatao. Hindi sila nakikipagkaibigan sa mga mahirap o di kilalang tao. Tumulong man sila sa mahihirap ay kailangan ipakalat sa mga tao sa bayan ang balitang pagtulong nila. Pero ang lola ko ay iba, kaya minsan ay pinagsasabihan ang aking mga magulang. Taon-taon ay may mga batang iniimbitahan ang lola ko sa araw ng pasko kung saan kaarawan ko. Mga batang mahihirap,mga anak ng mga magsasaka, mangingisda at kung ano pa. Sa araw ng kaarawan ko ay maraming handa at pangregalo si lola para sa mga bata at sa buong pamilya. Ayaw ng magulang ko ng ganung klaseng pagtulong pero kapag marami ng tao sa bakuran namin ay saka sila umeentrada para magpapansin sa mga tao. Pero sa katunayan wala silang tulong ni singko doon. Lahat ay gastos ng lola ko yun.

Habang nasa harapan ng altar ay sinabihan ako ni papa....
" Pagtungtong mo ng labindalawang taon kasali ka na diyan sa mga kumakanta at tumutugtog sa simbahan." Nabigla ako sa sinabi niya na sinigundahan ni mama. " Alam na ni father yan Emmanuel kaya gusto ko na maging mahusay ka sa pagtugtog dahil ayokong mapahiya sa mga tao!"

Hindi na ako sumagot. Alam ko naman wala akong laban sa kanila, bata pa ako at dapat sumunod sa magulang.

Habang nagmimisa ay napatingin ako sa kabilang bahagi ng mga upuan. Nakita ko doon si Arman na nakangiti sa akin at nagbelat pa. Kaya bumelat din ako sa kanya kaya napatawa kaming pareho. Nakita ako ang papa niya na tumawa lang sabay gulo sa buhok ni Arman katabi niya ang kapatid niyang babae na sa tantya ko ay labing apat na taon lang. Isang pinong kurot sa tagiliran ko ang naramdaman ko....si mama. " Nasa simbahan tayo, huwag kang lingon ng lingon!" Agad akong umayos ng upo. " Patawad po mama."

Oras ng pagbibigay ng kaunting tulong sa simbahan ay talagang ibang klase si mama at papa pareho silang maglalagay ng ilang malaking halagang papel na pera kung saan parang ipinapakita pa nila sa tao. Tanging sila lang at ang mayayamang pamilya ang ganun dahil ang iba ay barya lang at ang iba naman ay wala.

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now