C1: Teacher Yuko is ... dead?

1M 17.6K 6.6K
                                    




                 

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1)   Wag magbasa sa comment section.

2)   Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Denise's POV

3 weeks ago..

"Class, I'm sorry."

Gulat kaming lahat habang nagsasalita si Teacher Yuko. Siya ang adviser namin at ang pinakamalapit sa aming lahat. Sa lahat ng mga teachers, siya lang ang tanging nakakaintindi sa amin. Siya ang nagtitiyaga para piliting ituwid ang mga sira naming landas.

Kami ang Class 3-C, ang klase na ayaw pasukan ng mga teachers. Sa kadahilanang wala naman kaming pake sa mga tinuturo nila, basta pumapasok kami dahil kailangan. Puro mayayaman, maarte, mga basagulero at ang mga talunan ang mga nakakasama ko. Kalilipat ko lang kasi ngayong school year sa klase na to. Lumipas ang mga araw na sobrang saya na ni hindi ko nga namalayan na ilang buwan na lang magiging Senior na kami.

Tahimik pa rin ang lahat.

Hinihintay pa rin ang mga susunod na sasabihin ni Teacher Yuko.

"Magre-resign na ko," sabi ni Teacher Yuko habang nakayuko at nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang dulo ng teacher's table. "Magpapakasal na ako next week. Sorry kung ngayon ko lang sinabi ito. Sorry kung naglihim ako."

Katahimikan pa rin ang nangingibabaw sa apat na sulok ng classroom namin. Ni hindi namin alam kung malulungkot ba kami o magiging masaya para sa pinakamamahal naming teacher.

Ano ba dapat ang maramdaman namin ngayon?

--

After 5 days...

"Patay na raw si Teacher Yuko..."

"Oo nga, nabalitaan ko rin. Totoo ba yon?"

"Nakita yung bangkay niya sa banyo. Sa bathtub mismo, nagpakamatay at puno daw ng dugo ang tubig. Mayroon ding picture sa dyaryo na may nakasulat na LIAR sa pader ng banyo ni Teacher Yuko."

"Oo nakita ko nga yon at gamit daw sa pagsulat ay ang dugo mismo ni teacher. Sabi ng mga pulis... suicide daw ang nanyari."

"Bakit naman gagawin yon ni Teacher Yuko?"

"Baka ayaw nang magpakasal ng fiance niya?"

"Kawawa naman.."


Kanina ko pa naririnig ang mga kumakalat na balita na patay na raw si Teacher Yuko.....totoo ba? o baka chismis lamang ito. Tama. Baka nga chismis lang, marami na ring kumalat na chismis tungkol kay Teacher Yuko pero kahit isa doon wala kaming pinaniwalaan dahil kilala namin si Teacher Yuko. Impossible na magagawa niya ang mga bagay na iyon.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon