C37: Conspirator

166K 3.6K 1K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Andy's POV


Ilang beses akong kumurap na para bang hindi pa rin pumapasok ang mga nanyari sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang tumakbo palayo si Lilith. Bukod sa sinabi niya, nakita ko ang sakit sa mga mata niya. May nagawa ba akong mali? May nagawa ba akong nakakasakit sa kanya? Nakalipas na ang ilang minuto ngunit hindi pa rin ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko.

Aaminin ko na hindi ko rin maiwasan na masaktan tuwing magkasama si Ash at Denise. Kahit papano nagkaroon din ng puwang ang puso ko para kay Denise. Kahit papano, minahal ko rin siya. Alam ko yon at sigurado ako sa nararamdaman ko.

Ngunit hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kay Lilith. Ang bilis. Siguro hindi ko pa masasabi na pagmamahal na ito pero alam ko na dun na rin naman patungo. Kapag nalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Denise, pwede ko na bang sabihin na malaya na kong magmahal muli?

"Pre." Nilingon ko si Philip. Tinapik niya ang balikat ko tsaka ngumiti. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ng ngiti na yon pero isa lang ang pumasok sa isipan ko....

Kailangan kong humingi ng tawad kay Lilith.

Agad akong tumakbo. Halos lahat ng lugar na maaring puntahan ni Lilith ay tinignan ko na ngunit hindi ko pa rin siya makita. Hingal na hingal akong pinatong ang dalawa kong kamay sa tuhod ko habang bahagyang nakatayo upang habulin ang hininga.

Lilith, nasan ka na ba?

Hanggang sa napatingin ako sa isang room. Tama, ang music room. Ito na lamang ang hindi ko tinitignan. Sana nandito si Lilith. Sana. Kahit na hingal na hingal ay patakbo pa rin akong pumunta sa nasabing silid. Binuksan ko kaagad ito at nakita ko si Lilith na nakaupo sa mahabang lamesa sa dulo ng silid.

"Lilith..." Isang mahinang bulong ang tangi kong nasabi.

Alam kong hindi niya maririnig, maaring wala siyang pake. Natatakot ako na baka lumayo siya kung lalapit ako sa kanya.

Tumalikod na ako upang umalis nang narinig kong nagsalita si Lilith.

"Sino ka?" Walang ka-emosyon ang boses niya nang sinabi niya ito. "Andy?" Sabi pa niya.

Humarap na ako sa kanya. Napalunok ako ng ilang ulit dahil sa kaba.

"Lilith..." Medyo malakas na ang pagkakasabi ko.

"Anong kailangan mo?" Mas lalong tumapang ang boses niya. Hindi ko alam kung nanginginig na ba ako na parang tanga sa harapan niya. "Bakit ka pumunta rito?" Sunod-sunod ang tanong niya. Iba-iba man ang salitang ginamit ngunit iisa lamang ang gustong sabihin.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon