C40: Eagle's Prey

166K 3.5K 1K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

—-

Philip's POV


 Lumingon ako sa paligid habang nakabulsa ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon na suot ko. May mga nag-iiyakan, may mga taong hindi mapakali at palakad lakad sa pasilyo ng gusaling kinalalagyan namin. Siguro nga ganito ang makikita mo sa ospital lalo na't maari at madalas ditong malagutan ang mga buhay ng mga taong pilit nilang nililigtas.

Ngunit walang makakapigil.

Kung oras mo na, kahit anong gamot o operasyon pa man yan ... mamatay at mamatay ka.

"Tara na." Binasag ni Nichole ang katahimikan sa pagitan naming tatlo nila Alex.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at pumayag ako kay Nichole sa pagpunta dito sa ospital, kung san naka-cofine si Camille. Siguro'y interesado lang ako sa nangyari.

"Good Morning po," sabay sabay naming sinabi sa mga magulang ni Camille habang nakaupo sila sa mahabang silya sa gilid ng silid.

Ngumiti sila sa amin ngunit bakas sa mga mata nila ang labis na pag-iyak. Sino nga bang magulang ang hindi maiiyak kung nagkaganyan ang anak nila? Lalo na't nag-iisang anak lamang si Camille.

 Nilalapag ko ang prutas at bulaklak habang pinapakinggan ang pagku-kwento ng nanay ni Camille.

"Gulat na gulat ako kagabi nang may tumawag na mga pulis." Pagpapatuloy niya habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha. "Halos mahimatay ako nang sinabi nilang na-aksidente si Camille. Isang himala na raw kung ituturing na na-comatose lang siya. Mabuti na lang at nakaiwas ang bus at nabangga sa poste ang sinasakyan ni Camille." Ngunit nabigo siya, halos humahagulgol na sa harap namin ang ina ni Camille habang pinapakalma siya ng asawa niya. "Hindi namin alam kung san niya nakuha ang s-saksak sa hita niya. Sigurado akong hindi lang siya basta na-aksidente." Medyo lumakas ang pananalita niya.

Sigurado akong galit na ang nadarama niya. May pagitan sa mga salitang binanggit niya dahil sa labis na pag-iyak.

"Alam kong may nagtangkang pumatay sa anak ko!" Hawak niya ang kamay ng asawa niya habang umiiyak. "Ayokong mawala ang anak ko."

Lumabas muna ang mga magulang ni Camille. Tanging kaming tatlo na lamang nila Nichole at Alex ang naiwan sa kwarto.

Umupo ako sa kung san naka-upo kanina ang nanay ni Camille. Kung titignan mo si Camille ngayon hindi mo aakalain ang mga masama niyang ginawa't sinambit. Habang nakahiga siya ngayon, habang iba't ibang klase ng apparatus ang nakadikit sa katawan niya, hindi mo talaga aakalain.

"Dumalaw na ba si Amanda?" Narinig kong tanong ni Alex kay Nichole.

 "Hindi. Wala raw siyang balak dumalaw." Napa-kunot ang noo ko sa narinig kong lumabas sa mga bibig ni Nichole.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon