C2: Confession

722K 13.3K 3K
                                    


BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

—- 

Denise's POV

Sumunod ako kay Angie papunta sa kung saan man niya gustong makipag-usap. Ano ba ang mga nalalaman niya tungkol sa pagkamatay ni Teacher Yuko?

Tumigil kami sa C.R ng girls sa may first floor. Hindi ko alam na malayo na pala ang nilakad namin. Masyadong binabagabag ang utak ko tungkol sa mga sasabihin niya.

"Ano na ang sasabihin mo Angie?" sabi ko nang napansin ko na patingin-tingin lang siya sa paligid na para bang nagaalala kung may makakita o makarinig sa pinaguusapan namin. "Anong nalalaman mo Angie?" nagtanong muli ako.

"Walang nanyaring pagpapakamatay. Hindi nagpakamatay si Teacher Yuko.." 

"Ngunit sabi ng mga pulis—"

"Seryoso? Naniniwala ka sa mga yon? Wala namang kwenta yang mga pulis na yan eh." Sabi niya na may nakakakilabot na ngiti sa mga labi. Ang ngiti na di ko malaman kung dapat ko bang pagkatiwalaan o hindi.

"Sino siya? Sabihin mo sa akin!" 

"T-Tatlo sila.... galing sa klase natin." Tugon niya habang palingon lingon sa paligid kagaya ng kanina... para bang may nanonood sa amin. Pansin ko na nanginginig din siya.... na akala mo'y isang kuneho na binabantayan ng isang mabangis na oso.

"Bakit naman may papatay kay Teacher Yuko? At galing pa talaga sa klase natin? Mabait siya sa atin.... mabuti siyang guro. Maari ngang hindi siya gusto ng karamihan sa klase pero hindi naman siguro darating sa punto na may papatay sa kanya. Totoo ba yang mga sinasabi mo Angie?" Hindi ko nga matanggap ang pagkamatay ni Teacher Yuko lalo pa ba ngayon na sa mga sinasabi ni Angie?

Maniniwala ba ko sa kanya?

"Hahahahahahahaha!!" Tumawa lang nang tumawa si Angie na parang baliw. "Iyon ba ang pagkakakilala mo sa teacher na yon? Nakakaawa ka naman Denise. Isa ka pala sa mga naloko niya, sa mga ginago niya!"

Biglang nag-iba ang asal ni Angie. Kung nakakatakot na siya kanina, sobrang nakakatakot  na siya ngayon. Napakatapang ng aura niya.... nandoon pa rin ang nakakakilabot niyang ngiti pati rin ang mga mata niya na mas matalim pa sa kutsilyo.

"Mabuti si Teacher Yuko! At iyon ang paniniwala ko. Iyon ang nakikita ko. Hindi ako maniniwala sayo!" pagtatanggol ko sa namayapa naming adviser.

"Lahat ng tao may sikreto... sa tingin mo si Teacher Yuko, wala? Hindi mo siya kilala. Hindi mo pa nakikita ang totoong Teacher Yuko. Kasi ako... nakita ko na siya... kasama ng sikreto niya." Sabi pa niya habang hinahawakan ang bawat hibla ng buhok ko. Muli niya akong tinignan gamit ang mga matatalim niyang mga mata. Isang ngisi ang pumorma sa mga labi niya. Nang sahil sa takot... tinulak ko siya palayo. Parang hindi si Angie na kilala ko ang kaharap ko ngayon. Parang ibang tao ang nasa harapan ko. Mula nung nanyari iyon, nagbago na talaga siya.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon