C9: An old friend

391K 7.6K 2.3K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

----

Denise's POV

Nakaupo ako sa kama ko ngayon habang nasa harapan ko ang mga nakuha kong ebidensiya laban sa mga murderers na sinasabi ni Angie. Nandito ang baseball bat ni Andy, cellphone ni Angie, pati na rin ang cellphone ng killer at ang singsing na may nakaukit na 'Akira' sa likod nito.

Napakagulo ng sitwasyon. Hindi ko alam kung sino ang iisipin kong may pakana ng lahat ng ito. Napakatuso nila, baka mamaya pinaglalaruan lang nila ako. Namimigay sila ng clue na mas nakakagulo ng isipan ko. Kung titignan mo sila, parang walang mali. Ang hirap magbintang lalo na't napakalabo pa ng ebidensiya na nakuha ko.

Kinuha ko ang cellphone ng killer. Sa ilang araw na nasa akin ito, ngayon ko pa lamang mabubuksan. Natatakot man ay pinindot ko na rin ito para mabuksan ang mga nilalaman ng cellphone ngunit nangangailangan ito ng password. Dahil sa hindi ko naman alam ang password ay nilapag ko na muli ito sa kama. Bigla akong nakaramdam ng uhaw sa pag-alam ng password nito. Parang sobra akong nagging mausisa.

Sunod ko namang kinuha ang cellphone ni Angie. Sinubukan kong buksan ang inbox nito at mabuti na lang at walang password na kailangan. Binasa ko ang mga messages at may isang message na nakuha ang buong atensyon ko. At kung titignan, isa itong forwarded message galing kay Alyana.

Sender: Alyana

Message: Alam mo bang may relasyon si Kevin at si Angie? Natanggap mo ba ang pinadala kong video? Ginagawa ka lang tanga ni Angie at ikakalat niya sa lahat ang mga pinagagagawa mo. Gusto mo ba yon? Dapat ka nang kumilos ngayon... hanggang hindi pa huli ang lahat.

Dali dali kong binuksan ang mga video files niya sa cellphone. Hindi naman ako nahirapan at agad na bumungad sakin ang video ni Angie na nakikipagtalik kay Kevin. Napabitaw ako sa cellphone... sadyang kagulat-gulat..

Naalala ko ang mga sinabi ni Angie sa akin..

"Nag-away kami, isang napakalaking away. Galit na galit siya sa akin."

"Hindi na..huli na Denise..Nanyari na kung ano dapat manyari. Ayokong mandamay ng iba..."

Napatakip ako sa bibig ko.

"Anak, may bisita ka." Nagulat ako ng narinig ko ang boses ni mama sa may pintuan. Mabuti na lang at ni-lock ko ang pinto ng kwarto ko upang hindi nila makita ang ginagawa ko. Lalong lalo na ang mga nasa harapan ko ngayon. Sigurado akong magtatanong sila. Ayaw kong malaman nila ang nanyayari sa eskwelahan. Hindi ko alam kung bakit pero may parte ng utak ko na nagsasabi na mas magiging malala ang sitwasyon kung may pagsasabihan akong iba na labas sa Class 3-C.

"Opo, bababa na po." Tugon ko.

Iniligpit ko muna ang mga ebidensiya sa isang secret compartment sa cabinet ko kung san walang makakakita, ang secret compartment na ako mismo ang gumawa. Humarap muna ako sa salamin ng ilang sandali at pagkatapos ay inayos ang suot kong damit.

Class 3-C Has A Secret | completedWhere stories live. Discover now