C3: The Call

621K 11K 4.2K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Denise's POV

Denise's POV

Hindi na muling bumalik si Angie pagkatapos ng pag-uusap namin kahapon. Sana'y pumasok siya ngayon. Kailangan kong malaman lahat para malinawan ako. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinabi niya at mayroon ding parte sa akin na para bang gustong paniwalaan ang mga iyon. Ngunit mas mahirap kung maniniwala ako. Ang hirap isipin na ang isa sa mga taong tinitingala mo ay---

"Good Morning!"

Napalingon ako kay Andy na nasa likod ko lang pala. Hindi ko siya napansin agad dahil sa lalim ng iniisip ko.

Ngumiti ako at tumugon sa bati niya, "Morning. Kamusta na ang baseball practice mo kahapon?" Tanong ko sa kanya.

Nasalubong ko kasi siya pagkatapos ng pag-uusap namin ni Angie. Naka-uniform siya ng pang-baseball. May practice daw sila. Nitong buwan kasi na ito, may dumalaw na representative ng school galing US, at sa isang buong buwan ay mga napiling tuturuan ng baseball sa aming school. Isa si Andy, ang bestfriend ko, sa mga napili.

"A-Ah .. y-yung kahapon ba? Maayos naman! Magaling ako siyempre." Naniningkit pa ang mga mata niya dahil sa pagngiti niya sa akin.

"Tara pasok na tayo baka nagsisimula na ang klase." Sabi ko naman sa kanya.

Tumango naman siya sa akin at ngumiti bago namin tuluyang tahakin ang daan papunta sa classroom. Pagkapasok namin sa classroom ay nadatnan namin na nasa harap ang buong klase at tinigtignan ang black board na akala mo'y may pagsusulit na nakadikit doon. Lumapit kami at nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

Yung buong black board ... puro litrato. Mga litrato ni Angie. Nakatali siya sa upuan. Puro dugo ang damit niya, nakapikit at namumutla. Napatakip ako ng bibig sa nakita ko.

Sinong walang awa ang may gawa nito?

"Anong nangyayari?" Tanong ni Andy sa lahat. Lumingon lang si Nichole na tila gulong-gulo at nanlalaki din ang mga mata dahil tulad ko, hindi rin siguro siya makapaniwala sa nasa harapan niya.

"Hindi ito pwedeng makalabas sa klase! Tanggalin natin ang mga pictures na yan! Kung sino man ang nangti-trip diyan! Tigilan nyo na! It's not funny anymore!" Sigaw ni Nichole sa buong klase.

Sa tingin niya biro lang ito?

Biglang may nag-ring na phone. Hindi masyadong marinig ngunit alam namin na may tumutunog na cellphone. Tinignan namin ang mga cellphones namin pero wala namang galing doon. Nang biglang tumahimik, napansin namin na galing ang tunog sa drawer ng teacher's table. Binuksan agad ni Andy ang drawer at bigla siyang napahakbang palayo sa teacher's table.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon