C44: Consequences

150K 3.4K 1.3K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Amanda's POV


"Sino bang absent?" Tanong ni Nichole sa buong klase.

Bumuntong hininga ako dahil inis.

"Si Ash, Andy at Lilith tsaka si Gerwin at Joana." Sagot ni Alex.

Sila lang naman ang nag-uusap sa tuwing nagche-check ng attendance. Mga losers kasi.

Tumayo ako at pumunta sa gitna. Ngumisi ako kay Nichole na kasalukuyang nagche-check pa rin ng attendance. Pumameywang ako at ngumuso sa kanya. Tinuro ko ang upuan niya gamit ang aking nguso. Isang irap ang muli kong binigay sa kanya habang papalapit siya sa upuan niya.

"Ang boring." Sabi ko sa buong klase.

Umupo ako sa teacher's table at ngumiti sa kanila. Isang ngiti na alam kong magugustuhan nila ang ibig sabihin. "Let's play.Pinaghandaan ko ang araw na to. I'm sure namimiss nyo na ang larong ito."

Tinignan ko nang masama ang isa sa mga kaklase namin at automatiko niyang kinuha ang malaking paper bag sa tabi ng upuan ko. Nilapag niya sa tabi ko ang malaking paper bag at nakita ko namang nagsilakihan ang mga mata ng iba, ang iba naman ay lumapad ang ngiti dahil sa paglabas ko ng laman nito.

Mga puting rosas.

"Para sa mga bago, simple lang ang laro. Kumuha ka ng isang rosas at ibigay mo yon sa taong gusto mong mamatay. Anong makukuha natin dun? Wala." Ngumisi ako bago magsalita. "Pero malay nyo ... mamatay nga siya talaga."

Nakita kong nagngitian sila

"Magsimula na tayo." Nilapag ko ang lahat ng puting rosas sa teacher's table. Tumayo ako sa gilid nito at hinintay ang unang tao na nasa first row. "Hoy gaga, sabi ko magsimula na. Bilis. Napakatanga." Sabi ko sa kanya at agad naman siyang kumuha ng rosas at binigay kay...

Sino pa ba?

Kay Denise.

Mas lalong lumapad ang ngisi ko nang sunod-sunod ang pagbibigay sa kanya ng puting rosas.

Lima na lang ang hindi nakakapagbigay. Ako,si Philip, Denise, Alex, Nichole at si Summer.

Unang pumunta si Nichole at sa isang sama ng tingin ko pa lang sa kanya ay automatiko na siyang pumunta sa upuan ni Denise upang ilapag sa lamesa niyang punong-puno ng puting rosas. Napangiti muli ako. Pangalawang pumunta si Alex at tulad ni Nichole ay nasindak din siya sa sama ng tingin ko. Lumapit naman sa akin si Summer. Tinignan niya ako ng masama saka ngumisi.

"Kanino ko kaya ibibigay to?" Narinig kong bulong niya. Sigurado akong inaasar lamang niya ako. "Sa tao.." tumingin siya kay Denise "..o sa demonyita? " Nailipat naman sa akin ang atensyon niya. "Kanino kaya, Amanda?"

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon