C28: Memento Mori [UNEDITED]

213K 4K 1.6K
                                    


BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Denise's POV

"Anak, sigurado ka ba diyan?" Pangatlong beses na tanong sa akin ni Mama. Tumango lamang ako.

Hindi ko alam kung anong pumasok na masamang hangin sa utak ko para magdesisyon agad nang ganung kabilis. Ngunit alam ko na gustong-gusto ko nang malaman kung ano ba talaga ang nangyayari. Hindi ako matatahimik hangga't alam kong nanganganib pa rin ang buong klase. Maari ngang may mga nagawa silang masama sa akin ngunit hindi ko pa rin sila mabibitawan lalo na't ako lang talaga ang nakakaalam ng totoo.

Kung ayaw nilang maniwala sa akin, pwes ako ang maghaharap sa kanila ng katotohanan.

"Hindi ako papayag." Matigas na pagkakasabi ni Papa.

"Pero papa---"

"Denise! Huwag nang matigas ang ulo. Para sayo rin naman tong sinasabi ko." Wika muli ni Papa.

Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Papa, trust me, kailangan kong bumalik sa school na yon. Hindi ako maaring mag-transfer." 

Nakita ko namang hinawakan ni Mama ang balikat ni Papa at ngumiti. Tinignan lang ako ni Papa na para bang naninigurado kung tapat ako sa mga sinabi ko hanggang sa tumango na siya. 

"Sige pinapayagan na kita pero sa sandaling may mangyari na naman, ako na ang masusunod." Nang dahil sa galak ay niyakap ko silang dalawa. Nagpasalamat ako ng ilang beses at muling bumalik sa kwarto.

Agad kong kinuha ang phone ko at nag-text kay Ash.

Recipient: Ash

Message: Babalik na ko ulit bukas. See you tomorrow.

Naipinta muli ang isang matamis na ngiti sa mga labi ko. Simula ngayon, hahanapin ko na kung sino talaga sila. Tutuklasin ko ang nanyari noong isang taon ... tutuklasin ko ang sikreto ng Class 3-C.

Ni-off ko na ang phone ko at matutulog na sana hanggang sa nagring ito nang malakas. Mabilis pa sa alas kwarto kong sinagot ang tawag. Hindi ko tinignan kung sino dahil sigurado akong si Ash ito ngunit nagkamali ako.

"Ba't napatawag ka Ash?"

"Sinong Ash? Nakalimutan mo na ba ako, Denise?" Nakaramdam ako ng pagtaas ng mga balahibo ko nang narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"Sino ka?!"

"Nakakalungkot naman. Hindi naman masyadong matagal ang pagkakawalay natin, ah? Nakalimutan mo agad ako?"

"Wala akong oras para makipaglokahan sayo!"

"Naalala mo ba yung ginawa mo nun? Dahli ako, alalang-alala ko pa. Sariwa pa sa alaala ko ang mga kagaguhan mo. Gusto mo bang isa-isahin ko pa?" May pang-aasar sa tono ng kanyang pananalita.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon