C38: Fatalism

160K 3.5K 987
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

—-

Denise's POV


"Anong nangyari?!" Hingal na hingal kong hinahawakan ang sugat ni Ash. Kita ko pa rin ang pagkagulat sa mga mata niya habang ako'y hindi mapakali at tila ba  hindi alam kung ano ang dapat gawin. Ang bilis. Kanina lang ay nakangiti siya at tumatawa pa ngunit sa isang iglap, nawala ang ngiti na iyon.

Dahan-dahan akong umupo upang kuhanin ang isang bagay na nakaagaw ng pansin ko. Para itong dart ngunit mas maliit nga lang ito ng kaunti.Pagkahawak ko'y agad nagkaroon ng maliit ng sugat ang daliri ko. Mabilis ko itong nabitawan. Nagkatinginan kami ni Ash at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. 

Sinong gumawa nito kay Ash?

Pinulot ni Ash ang nasabing dart. Hinawakan niya ito sa dulo kung san ito ligtas hawakan. Tinignan niya ito nang mabuti. Nakalipas ang ilang segundo at tinago niya sa wallet niya ang dart na iyon. Hindi na ko nagtanong pa.

Agad ko naman siyang dinala sa clinic.Iba ang nurse na nandito ngayon hindi na yung nurse na madalas kong maka-kwentuhan sa tuwing masasalubong ko. Tinanong niya kung paano nagkaroon ng ganitong sugat si Ash ngunit, hindi ko sinabi. Tinitignan ko lang si Ash habang ginagamot siya ng nurse. May kalaliman ang sugat ngunit alam kong daplis lamang ang talagang nangyari. Hindi nakakapagtaka, sadyang napakatulis ng dart na iyon.

"Fukiya." Sabi niya nang umalis ang nurse.

"Fukiya?" Tanong ko sa kanya."Ano yon?"

"Isang weapon. Katulad siya ng Shobo. Pareho silang nagta-target ng isang tao o bagay sa malayo at kayang-kaya nitong sugatan o patumbahin ang nasabing target. Depende kung may lason ang ginamit nila." Ngayon ko lang napansin na hawak na niya pala ang nasabing dart. "May alam akong taong nagma-may ari ng Fukiya ngunit di ako sigurado."

"Pwede ko bang malaman?" Tumingin ako sa kanya ngunit nakatuon lamang ang pansin niya sa hawak niyang dart.

"Hindi." Tumingin siya sa akin. "Hindi ko alam Denise. Ayokong mambintang." 

Ngumiti siya ngunit wala akong nakitang sigla sa ngiti na iyon. Ibang-iba sa mga masisigla niyang ngiti na kayang makatunaw sa taong nasa harap niya. Para bang, napakalungkot niya.

Hindi ko na muling inungkat ang pag-uusap na iyon. 

Naglalakad kami ngayon papunta sa gilid ng daan kung san kami makakapara ng mga dumadaan na taxi. Hindi ako masusundo ni Papa ngayon dahil sa abala siya sa trabaho. Ilang beses na kong kinulit ni Ash na ihatid ako ngunit ayaw ko naman siyang maistorbo. Baka rin iba ang isipin ni mama kung sakaling may maghatid sa akin na isang lalaki. Magagalit si mama, sigurado ako.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon