C14: The witness

277K 5.7K 2.3K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---


 Lilith's POV


"Anak, may surprise ako sayo!" Wika ni mama habang may tinatago sa likuran niya. Lumapit naman ako at agad na tinanong kung ano iyon.

"Teddy bear!" Masigla kong sinabi nang nakita ko ang kulay puti na teddy bear sa likod ni mama.

"Anong name na ibibigay mo sa kanya?" Tanong ni mama.

"Hindi ko pa alam mama eh," at tumawa ako.


"Sige lang, oh ito na." Inabot niya sa akin ang teddy bear at niyakap ko siya habang hinahalikan sa pisngi nang paulit ulit.

"I love you mama!"

Isang gabi, bigla na lang akong nagising dahil sa ingay sa baba. Hinanap ko si mama na nasa tabi ko lang noong natulog ako ngunit hindi ko na  siya makita. Ilang beses ko siyang tinawag ngunit walang sumasagot. Nakarinig ako ng sigawan at iba't ibang ingay sa baba.  Kinuha ko ang bago kong teddy bear at dahan dahang lumabas ng kwarto nang nakilala ko ang boses ni mama.

May nakita akong lalaking nakaitim. Nakatayo siya sa harap nila papa.. mama at kuya Denzel, ang nag-iisa kong kapatid. Nakaluhod sila mama. Noong una ay wala akong maintindihan sa mga panyayari hanggang sa makita ko ang baril na hawak ng lalaki. Sisigaw sana ako ngunit  tumingin lang sa akin si papa na para bang nagbabanta.

"Hindi nyo ba talaga sasabihin kung nasaan ang isa nyo pang anak?!"

"Ilang beses ba naming kailangan sabihin na wala siya rito!" sigawnaman  ni mama habang iyak nang iyak. Hinampas siya ng baril ng lalaki at narinig ko ang malakas na pagsigaw ni mama. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pag-iyak... si mama... si papa... kuya... anong nanyayari?

"Nasaan ang isa nyo pang anak?!" at hinampas naman niya si kuya gamit ng baril niya. Mas lalong napaluhod si kuya sa ginawa niya na halos mauntog na ito sa sahig namin na gawa sa marmol.

"Tama na po." Ang bulong ko ngunit alam kong wala namang makakarinig sa akin kundi ang sarili ko.

"Kung hindi nyo ilalabas ang anak nyo. Papatayin ko kayo isa-isa!"

"Wag please waag!" sigaw ni mama.

"Isa!" Pagbibilang ng lalaking nakaitim.

"Dalawa!"

"Ayokong pinaghihintay ako!" Sigaw pa uli niya.

"Tatlo!" pagkatapos ng pagbibilang niya ay agad niyang itinapat ang baril sa ulo ng kuya ko at pinutok ito. Nakita ko kung pano dumalak ang dugo, kung paano nagkalat ang mga parte ng utak ni kuya sa sahig at kung paano siya bumagsak na walang ng buhay.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon