C17: Betrayals

261K 5.2K 2.3K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Chief Guevarra's POV

Kanina ko pa naririnig ang sunod sunod na sigaw ng isang lalaki sa kabilang kwarto. Nasa isang madilim na lugar ako at may nakakapa akong lamesa sa tabi ko. Ang tanging liwanag lang dito ay ang sinag ng buwan na natatanaw ko sa bintana sa may taas ng pader. Walang tali ang kamay at paa ko. Kanina ko pa sinusubukan na buksan ang pinto ngunit bakal ito at sa naririnig ko sa tuwing kakalampagin ko ito ay higit pa sa isa ang lock. Kaya wala na kong nagawa kung hindi umupo sa gilid at tanawin na lang ang bintana.

Pagkadilat na pagkadilat ng mga mata ko kanina, hinanap ko kaagad ang cellphone at baril ko pero wala akong nakapa, mukhang kinuha nila lahat ng gamit na makakatulong sa akin. Hindi ko mawari kung nasaan ako pero may nakikita akong isang malaking bar sa may bintana. Umiilaw pa ang pangalan nito kaya nakakapukaw talaga ng pansin.

Bigla ko tuloy naramdaman ang gutom. Hinawakan ko ang tiyan kong nagrereklamo na. Mukhang mahirap na kalaban ang mga estudyanteng ito ah? Nailabas nila ako ng eskuwelahan ng walang nakakapansin, naitago nila ang mga katauhan nila at naisagawa nila ang mga krimen ng walang kahirap hirap. Kung tutuusin talagang mahirap gawin ang mga ginawa nila... papanong nagawa ito ng mga high school students lamang?

Sa likod ng mga mala-anghel at inosente nilang mga mukha... nagtatago ang halimaw nilang pag-uugali.

Narinig ko ang pagbukas ng bakal ng pinto at pumasok siya na may hawak na martilyo. May hawak hawak siyang tela na pinangpupunas niya sa martilyo, dahil sa may kaunting dugo pang tumutulo mula rito. Tumingin lang ako sa kanya. Unti unti kong nakikita ang mukha niya habang humahakbang siya papalapit sa akin. Hindi nga ako nagkamali.

Siya nga ang pumatay dun sa Kevin.

"Masyado kang mausisa." Sabi niya habang papalapit pa nang papalapit sa akin. "Gusto lang kitang batiin Chief. Sa wakas nakaabot ka sa punto na to. Hindi ka ba natutuwa chief?"

Sinong matutuwa sa kalagayan ko ngayon?

"Ikaw ang pumatay dun sa Kevin diba?" tuloy tuloy at walang kagatol-gatol kong sinabi sa kanya. Kung tatanungin ako ngayon.... hindi ako natatakot. Wala akong nadarama na takot kahit kaba. Ilang beses na kong nakaharap ang isang kriminal... at alam ko na kung paano sila pakisamahan. Kung papano sila lituhin lalong lalo na isang bata lamang ang kaharap ko.

Napabitaw siya sa hawak niyang martilyo. Tumama ito sa sahig at gumawa ng tunog na masakit sa tainga.

"P-Pano mo n-nalaman?!" sigaw niya sa akin.

Tumayo ako at nilapitan siya. Sa ngayon, kitang kita ko na ang mga matang niyang nangagalaiti sa galit. Mas lalo akong nagkaroon ako ng lakas ng loob. "Simple lang." Ilang segundo akong tumigil at nagpatuloy muli. "Masyado kang makakalimutin. Nakalimutan mo atang ayusin ang uniform mo nun? Hindi man halata para sa iba pero nakita ko ang mga bahid ng dugo sa pantalon mo. Hindi maaring dugo mo yon... hugis kamay at tulad ng sinabi ko, hindi mo pinalitan ang damit mo kaya noong inamoy ko ang jacket at noong nilapitan ko kayo. Hindi na ako pwedeng magkamali noon. Ang pabangong ginamit ng kriminal at ang pabango mo... magkapareho diba?" naglakad lakad pa ako ng ilang hakbang sa harapan niya. "Hindi naman pupwedeng itanggi mo yon. Impossibleng hindi ikaw ang gumawa kung dalawang ebidensiya ang nasa iyo. Gusto mo pa ba marinig ang pangatlo?"

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon