C4: Mortem iuxta est

476K 9.6K 2.9K
                                    


BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

—- 

Denise's POV


Isang sigaw ang umalingawngaw sa buong High school building at bumungad sa amin ang katawan ng isang senior sa section A, si kuya Kevin, isa sa mga sikat sa buong Laketon Academy. Nakatali ang dalawa niyang kamay sa magkabilang dingding at may takip ang bibig. Punong puno rin ng sugat ang katawan niya ngunit ang pinakanakakakilabot sa lahat ay ang nakasulat sa dibdib hanggang sa tiyan niya  na "Mortem iuxta est". Sa tingin ko ay sinulat ito gamit ang isang matulis na bagay kagaya ng kustilyo dahil isang tingin mo palang, alam mong napakalalim ng bawat sugat. NapakarahasNasa pagitan ito ng classroom namin at ang classroom mismo nila kuya Kevin ... walang nagtatangkang dumaan.

Di naman kami masyadong nag-uusap ni kuya Kevin pero naririnig ko rin ang iba't-ibang balita patungkol sa kanya. .Sa pagkakaalam ko, mabait siya, maginoo at walang kaaway sa buong school. Ngunit bakit sa kanya ginawa ito?

Sigaw pa rin ng sigaw ang mga babae. Nagkakagulo na rin ang ibang estudyante... mga nagtatakbuhan palabas ng school. Madaming nadadapa sa hagdanan dahil sa siksikan... madaming takot at isa na ako doon. Ngunit ang pagkakaiba ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napako na ata ang mga paa ko sa kinatatayuan ko na tila ba kahit anong galaw na gawin ko ay ayaw sumunod ng mga ito.

Pilit kaming pinapakalma ng mga teachers pero wala silang magawa dahil sa takot na takot na ang lahat. Ang mga natira naman ay nagsiksikan doon sa dulo. Tila, takot na takot sa bangkay na nasa harap nila.

Pinalabas muna kami ng mga teachers at pinapunta sa school grounds. Madami pa ring hindi mapakali at takot na takot sa amin. Halos kalahati ng klase ay nawala. Kakaunti na lang kaming natira. Wala na ring 4th year dito. Siguro nagsialisan na silang lahat at dahil dalawa lang ang classroom sa 3rd floor... kami lang ang natira.

Dumating ang mga pulis at tuloy tuloy sila sa 3rd floor kung san naroon ang kaawa-awang bangkay ni Kuya Kevin. Kitang kita mula rito sa kinauupuan ko ang nakasabit na bangkay ni kuya Kevin. Nakakakilabot. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakasaksi ng ganito. Ito pala ang pakiramdam kapag nakakita ka ng bangkay. Ilang oras ang nakalipas at nandito lang kami... nakaupo. Ang iba sa amin ay tinatawagan na ang mga magulang nila upang magpasundo.

"Sino ang tingin nyong pumatay?" narinig ko ang boses ni Camille. Bigla rin akong napaisip sa tanong niya ngunit nanatili akong tahimik at pinakinggan na lamang ang usapan nila.

"Siguro yung bagong janitor. He's creepy." Tugon naman ni Amanda

"Oo nga tapos bakla pala yung janitor at nagkagusto si janitor kay kuya Kevin at dahil straight si kuya Kevin tinanggihan niya si janitor.T apos ni-rape siya at pinatay." narinig kong sinabi ni Maeri habang seryosong seryoso ang tono ng pananalita niya.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon