C25: You can't cheat Death

237K 4.5K 606
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Teacher Paolo's POV 

Tinitignan ko lang si Lilith habang nakatayo siya sa harapan ko. Hawak pa rin niya ang lagi niyang dala dala na teddy bear. Kanina pa niya ito kinakausap na para bang sumasagot ito sa mga katanungan niya. Nabibigla na lang ako kapag tumatawa siya.

Pinaiwan ko siya sa classroom upang isagawa ang plano ko. Kailangan na niyang manahimik. Alam kong maaring walang maniwala sa kanya pero mas maganda na ang nakakasigurado.

Nilibot ng mga mata ko ang paligid, gulo gulo pa rin ang classroom nagkalat ang mga upuan at mga gamit ng mga estudyante. Lumingon ako sa kinatatayuan ni Lilith kanina pero nagulat ako nang wala na siya roon. Hanggang sa napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko muli siya.

Kahit natatakpan ang mga mata niya at kaunti lamang ang nakikita ko ay alam kong nakatingin lang siya sa akin ng diretso na para bang hinihintay niya na lumapit ako. Hawak-hawak niya sa kaliwa niyang kamay ang sira-sira niyang teddy bear. Dahan-dahan akong lumapit sa kinatatayuan niya at agad kong hinatak  ang kanan niyang kamay. Binunot ko ang kutsilyo sa kaliwa kong bulsa at tinutok sa leeg ni Lilith.

Hindi siya sumigaw. Ni hindi siya nagpumiglas at ang pinagtataka ko sa lahat ay nakarinig pa ko ng mahinang tawa mula sa kanya. Nagsitaasan ang mga balahibo ko nang narinig ko ang maikling tawa na yon.

"Papatayin mo rin ba ako?" Narinig kong binulong niya. "Gigilitan mo ba ang leeg ko?"

Ramdam ko pa rin ang pagtaas ng mga balahibo ko. May naririnig akong paparating kaya napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kutsilyo. Hindi kong sinasadya na madaplisan ang balikat ni Lilith. Nakita ko na lamang na may tumulong dugo mula sa kutsilyong hawak ko. Dinampot ko kaagad ang kutsilyo.

Masyadong mabilis ang pangyayari, nakita ko na lamang ang sarili ko na tumakbo papunta sa isang malaking locker na lalagyanan ng mga panlinis. Nakatutok pa rin ang kutsilyo ko sa leeg ni Lilith. Nanginginig ako habang nanatili namang tahimik si Lilith na para bang maliit at masunurin na bata. Sinisilip ko si Denise na kakapasok lang sa classroom. Nagulat siya sa nadatnan niyang gulo. Medyo may kalakihan ang locker kaya hindi mahirap gumalaw.

Mas lalo akong nanginig nang napansin ni Denise ang patak ng dugo ni Lilith sa sahig. Mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Baka mamaya hanapin niya kung san nanggaling ang dugo na yon. Muntik ko nang mabitawan ang kutsilyo na hawak ko. Mabuti na lang at naagapan ko ang pagbagsak nito.

"Huwag kang maingay Griselda. Naglalaro tayo ngayon." Inilagay niya ang hintuturo niya sa bibig ng hawak niyang teddy bear. "Shhhhh... wag ka nang magsalita. Alam ko, delikado to. Pero..." Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Nagsisimula na Griselda ... nararamdaman ko na. Mabubuklat na ang aklat na matagal nang nakatago. Malalaman na kung sino ba ang totoong may sala. Masaya. Ito na ang hinihintay ko." Pabulong pa rin niyang sinasabi.

Class 3-C Has A Secret | completedWhere stories live. Discover now