C8: Revelations

362K 7.5K 3.2K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

—- 

 Maeri's POV


Hindi ko alam kung saan  niya ako dinala. Nag-iisa ako sa isang napakadilim na lugar. Ni wala akong naaninag na sikat ng araw. Napakainit dito na para akong niluluto nang buhay. Napagod na ko sa kakasigaw.

Masakit pa rin ang mga sugat sa katawan ko dulot ng pagkakasaksak sakin ng ilang beses. Hindi ko nga alam kung bakit pa buhay pa ako. Siguro sinadya ito ng taong nagdala sakin... ang saksakin ako sa mga di gaano kagrabeng parte ng katawan. Mas gusto niya akong pahirapan kahit na ilang beses ko sa kanyang sabihin na buntis ako at maaring mamatay ang batang nasa loob ko, ayaw pa rin niyang tumigil.

Hinawakan ko muli ang tiyan ko.

"Baby... makakalabas din tayo dito. Makakalabas tayo nang buhay." Sabi ko habang dahan dahang hinahaplos ang tiyan ko.

Biglang bumukas ang pinto at nasilaw ako sa nakakabulag na liwanag sa labas. Tinakpan ko ang mga mata ko at noong dumilat ako ay nakita ko muli ang taong nakamaskara. Hindi niya sinarado ang nasabing pinto kaya nagkaroon ng liwanag sa buong paligid. Nakita ko ang labas... nasa isang bahay ako. Mula sa kinauupuan ko ay nakita ko ang kusina sa ibaba pati na rin ang hagdanan sa may gitna. Isang normal na bahay.

Lumapit siya sa isang mesa sa kabilang dulo ng kwarto.

"Pakawalan mo na ko please." Ngunit muli,  hindi niya ako pinansin. Sa halip ay kinuha niya ang patalim niya mula sa suot niyang itim na jacket at inilapag ito sa lamesa na katabi lamang niya. Tinignan niya lang ako saka  tumawa nang mahina na tila ba'y isang bulong lang.

Lumabas siya sandali. Sa kasamaang palad, halos nakadikit na ata ako sa upuan na ito. Ang higpit ng pagkakatali niya sa akin at mayron pang tape na nagdidikit sakin at sa upuan. Talagang ayaw akong paalisin ng gago. Hindi nga nakatali ang mga kamay ko at tanging beywang at paa lamang ang naka-tape ngunit alam kong kahit na alisin ko ang mga ito, hindi pa rin ako makakatakas dahil sa saksak sa mga paa ko.

Ilang sandali lang ay bumalik na siya.

Inusog niya ang lamesa papunta sa harap ko at may inilagay na video camera sa taas nito na nakatutok sa akin. May pinindot siya sa video camera at alam kong nagre-record na ito ngayon. Sisigaw sana ako sa harap ng camera pero laking gulat ko ng nakita ko siya na lumalapit sakin habang hawak ang napakatalim niyang kutsilyo. Pumwesto siya sa likuran ko at agad niya akong sinaksak sa may hita. Halos kagatin ko na ang mga labi ko para hindi ako mapasigaw sa sakit. Tinaas niya ang ulo ko hanggang nasa harap ko na ang mukha niya. Nakabaon pa rin sa hita ko ang kutsilyo at tuloy tuloy ang pagtulo ng dugo mula rito.

Mangiyak-ngiyak na ko sa sakit.

"P-Please... k-kung sino ka m-man. Maawa ka naman sa amin ng b-baby ko." Binitawan niya ako. Lumapit siya sa may gilid at sumigaw. Lalaki pala siya. Sinuntok suntok niya ang pader at nagwawala. Galit na galit siya. Halos umiiyak na siya roon.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon