C51: The manipulator

168K 3.3K 1.2K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

----

Denise's POV

Nakaramdam ako ng mga kamay na patuloy akong niyuyugyog. Ilang minuto ang nakaraan bago ako tuluyang magising. Bumungad sa akin si Andy na pawis na pawis at nakatingin sa akin. Hingal na hingal siya. Nilibot ng paningin ko ang paligid. Tulad ng gabing iyon, liwanag na lamang mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Ngunit ang pagkakaiba ay mas maliwanag ngayon. Naririnig ko ang sunod sunod na kidlat at kulog.Nakita ko si Philip, Amanda at Andy na nakaupo sa harap ko at takot na takot ... sa mga nakapaligid sa amin.

Patay ... puro patay.

"A-Anong n-nanyari?" Bulong ko habang tinitignan ko ang buong silid na punong-puno ng mga bangkay ng aming mga kaklase. Napatakip ako ng bibig nang napansin ko ang mga bangkay nila'y  walang mga ulo. Ni hindi ko na sila makilala kung hindi ko lang maaalala ang mga suot nilang damit. Nilapitan ko ang isa sa mga kaklase ko. Nakakapangilabot.

Tanging kaming apat lamang ang nanatiling buhay sa silid na ito. Ito na ... ito ang kinatatakot ko. Nagkalat ang mga katawan ng mga kaklase namin sa buong silid. Narinig kong iyak nang iyak si Amanda habang pinapatahan naman siya ni Philip. Hindi ko pa rin maitago ang gulat at takot na nadarama ko. Bakit? Bakit di pa kami pinapatay? Bakit kami lang ang buhay?

"Tapos na ang laro ... teka tapos na nga ba talaga ang laro?" 

Naalala ko muli ang sinabi ng boses na iyon noong nasa abadunadong gusali pa lamang ako. Tama, hindi pa nga tapos. Tulad ng inaasahan ko, ngayon palang matatapos ang lahat. Nangangamba ako at natatakot sa mga maaring mangyari ... sa mga pwede maging katapusan nito.

"Kasalanan ko ito. Kasalanan ko lahat ng ito! Kung hindi ko kayo dinala rito ... h-hindi sana m-mangyayari ito." Patuloy ang paghagulgol ni Amanda habang hinahagod ni Philip ang likuran niya.

"Nasan si Ash at Alex?" Tanong ko nang napansin ko ang pagkawala nila Alex. Nilibot ko ang buong silid at hinanap sila Ash at Alex, halos madapa na ko sa pagmamadali. Kailangan ko silang makita ... lalong-lalo na si Ash. "Nasan sila?!" Sigaw ko nang unti-unting nilalamon ng kaba at takot ang puso't isipan ko. Halos mapamura ako sa isipan ko habang iniisip na maaring wala na si Alex at ... si Ash.

"Hindi namin alam. Tulad mo, Denise nagising din kami---" Tinignan ko nang masama si Andy na naging dahilan ng pagkatigil niya sa pagsasalita. "B-Bakit?" Kinakabahan niyang tanong sa akin.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon