C22: Untold Feelings

216K 4.4K 1.9K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Denise's POV

Naiwan akong mag-isa sa garden. Kasabay ng pagluha ko ang pagluha rin ng langit. Ilang minuto ang nakalipas bago ako tumayo at  tumakbo papunta sa kotse ni Papa. Tanong siya nang tanong kung bakit ako umiiyak at kung bakit basang basa ako sa ulan pero kahit isa dun ay hindi ko nasagot. Pagkauwi naman ay dumiretso agad ako sa kwarto at ang una kong ginawa ay ang umiyak nang umiyak.

"Kinamumuhian kita. Hindi kita kailangan at wala na akong kaibigang katulad mo. Kung ayaw mo pang maniwala, wala na akong magagawa. Sawang sawa na ko sa isang tulad mo. Kung ano man ang mangyari sayo kahit mamatay ka pa sa harap ko ... wala na akong pakialam."

Muli kong naalala ang mga sinabi ni Andy. Kahit ilang beses kong marinig ang mga katagang nanggaling mula sa kanya... hindi ko pa rin mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Bakit naging ganito? Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko at huminga nang malalim. Paano na ko bukas? Anong gagawin ko kapag nakita ko siya? Kung pupwede lang na ibalik na lang ang dati. Gusto kong bumalik na ang dating Andy.

Umiyak ako nang umiyak hanggang sa makatulog na ako.

Paggising ko ay namumugto ang mga mata ko. Mabuti na lang at hindi na ako kinulit ni Mama't Papa tungkol sa nangyari kagabi. Nararamdaman nila siguro na ayaw ko na ring pag-usapan pa. Sobra akong nasaktan pero naniniwala akong babalik ang best friend ko--babalik ang dating Andy. 

---

"You're so funny, Andy! Talagang ginawa dati ni Denise yon? Ewwwww!"

Napayuko na lang ako nang muli kong narinig ang pangalan ko. Kausap ni Andy sila Amanda, Camille, Anne, Vince at ang iba pa. Kanina pa nila ako pinag-uusapan. Halos mabingi na ako sa mga halakhak nila, lalo na't sa mga pangungutya na nakukuha ko mula sa kanila.

Napa-buntong hininga na lang ako habang kinukuha ko ang Chemistry notebook ko mula sa bag.

"Anong nangyari Denise?" Sabi ni Nichole habang kasama niya si Alex na hatakin ang mga upuan nila papalapit sa kinauupuan ko. Tinuturo ni Nichole ang mga mata ko. Napansin rin pala niya.

Umiling na lang ako at alam kong maiintindihan niya na ayaw ko munang magkwento. Naghari ang katahimikan sa aming tatlo. Katahimikan na nasasapawan ng ingay ng iba naming kaklase.

"Bakit nagkakaganyan si Andy?"  Tanong sa akin ni Alex.

Umiling lang muli ako.

Hinawakan ni Nichole ang kamay ko at ngumiti sa akin. "Kung kailangan mo ng kaibigan. Nandito pa naman kami. Kung gusto mong magkwento, makikinig kami pero kung hindi mo pa kaya ... naiintindihan namin."

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon