C46: Distorted

167K 3.5K 1.2K
                                    


BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Denise's POV


Nagising ako na wala si Andy sa tabi ko bagkus ay nakita kong nakatayo sa isang gilid si Ash habang nakasandal sa pader at nakabulsa ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon. Tinignan ko lamang siya. Agad akong tumayo at niyakap ko siya ng ubod nang higpit.

"Ash, mabuti at nandito ka na." Wika ko sa kanya.

Narinig kong bumuntong hininga siya. Mukhang may problema.

"Bakit Ash?" Tanong ko na may halong pag-aalala.

"Wala Denise. Nag-aalala lang ako sa'yo." Binalik niya ang pagkakayap ko sa kanya at ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. "Tara na. Gabi na. Hinihintay ka na sa inyo." Hinawakan niya ang kamay ko at binuksan niya ang pintuan. "Di na kita ginising dahil sobrang himbing ang tulog mo. Sabi ni Nurse Tin, kailangan mong magpahinga dahil sa stress at depression. Tinawagan ko na rin ang Mama't Papa mo." Sabi niya habang nilo-lock ang clinic.

"Ash, sorry." Sinabi ko nang mahina sa kanya.

Humarap lamang siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko at tinignan ako sa mga mata.

"Denise, wag kang magsorry. Naiintindihan ko. Dapat ako ang humingi ng tawad sa'yo dahil sa oras na kailangan mo ko, dun pa ako wala."

Nakita kong ngumiti siya kaya napangiti na rin ako.

Matagal tagal na rin kaming nakaupo sa kotse niya at tahimik na bumabyahe. Di ako makapagsalita at alam kong hindi rin siya komportable pagkatapos ng nangyari sa akin. Siguro kailangan ko rin nito, ang katahimikan.

"Tara." Huminto kami sa isang malaking simbahan.

Lumabas si Ash at binuksan ang pinto ng kotse para sa akin. Lumabas naman ako at sandaling tumayo doon habang tinitignan ang malaking simbahan.

"Anong ginagawa natin dito Ash?" Tanong ko sa kanya.

Nakita kong ngumiti siya at hinatak ako papunta sa loob.

"Matagal na rin akong hindi nakakapunta rito. Nagalit kasi ako. Nagalit ako sa Kanya." Tumingin siya sa taas ng simbahan kung saan may malaking krus. "Siguro dahil wala na kong ibang masisisi kaya Siya na lang ng sinisi ko sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Matagal na rin akong di nagpapasalamat at humingi ng tawad sa Kanya."

Napayuko ako.

"At sa tingin ko, Siya ang kailangan mo ngayon." Tumingin ako sa kanya at alam kong ilang sandali ay maiiyak na ko sa harapan niya.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon