3 First Day

25.1K 383 23
                                    

3

 Madali lang sundan ang kuwentong ito, madali ring hulaan ang susunod na eksena, e sa trip ko lang talagang magtype…hehehehe

********************

"Thank you detective." Ibinigay niya ang bayad sa inupahang detective para hanapin at bigyan siya ng lahat ng kailangan niyang impormasyon tungkol sa babaeng kinalokohan ni Dionne.

He sat in his swivel chair and opened the envelope.

He is now looking at a huge picture of Jellaine.Amber Yushiko. Maganda, no wonder nahulog ang loob ng kaibigan niya rito. Pero masyado itong simple para sa kanya. Not the usual models and socialites na nagiging flings nilang magkaibigan. How come Dionne came to the point of killing himself just because of her?

He looked at the profile. Nakatira sa isang lumang apartment, sa isang slum area, a working student, who is currently working in their rival company. Interesting! Soon to graduate, tindera sa palengke ang ina, matalino.

Matalino nga, she would not be a leach and asked money from Dionnie if di nito ginagamit ang utak.

Isang bastarda? and currently single.

Curently single ha? what about Dionne? Damn!

"Pagsisisihan mo na nakilala mo si Dionne,”

****

Jellaine's day started. Her first day for this semester had started. Mukhang ok ang vibes niya sa semester na to. Kailangan niya kasing mag-ipon. Malapit na siyang mag ojt. Kailangan siyempre ng extra money para sa uniforms at iba pang bayarin. Sana di naman kuripot ang mg magiging kaklase niya.

Maingay ba ang klase ng dumating siya. Akala nga niya eh malalate na siya eh. Mabuti na lang at wala pa ang teacher niya.

"Jelly! Magkaklase tayo girl!" Si Winsor na isang gay. Mabait naman ito, maingay nga lang.

"Oo, eh nandito tayo sa iisang room."

"Hang taray naman! Girl, kaklase rin natin si Glake, ang iyong die-hard fan."

"Di na yan katakhan girl, e kapatid niya ang registrar, malamang sa lahat ng subject magkaklase kami." Napasimangot siya, kailan ba siya titigilan nito. Ilang beses na ba niya itong binasted. Talaga lang hayop ang pagkahopeless...hopeful pala.

"Hi Jellaine. Magkaklase pala tayo? Saang subject pa kaya tayo magkaklase?"

Tinaasan niya ito ng kilay. Nakakairita na talaga siya. "Ewan ko, baka mag shift na ako ng course, so malamang, di n tayo magkaklase." Pagtataray niya.

"Ha? Magshishift ka? E di irregular fourth year ka na? Sayang naman."

Sadyang ang daling maniwala. Nakaka turn off talaga.

"Ang mabuti pa Glake, bumili ka na lang ng mga dala kong polvoron, ako ang nagluto niyan." pasweet na smile niya. Oo, bukod sa nagtatrabaho siya, nagpapabenta rin naman siya ng kung anu-ano sa klase, para lang kumita, ganyan siya kasipag.

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now