40

15.9K 317 14
                                    

40

Pumunta siya ulit kina Jellaine, magpapaalam lamang kasi siya sa anak na medyo mabubusy na siya dahil kailangang asikasuhin nila ng mga Chou ang naiisip nilang expansion ng negosyo, nakipagsosyo kasi siya  sa mga ito at sa ngayon ay maganda naman ang takbo.

Nalungkot siyempre ang anak nung sinabi niya iyon, nakatingin lamang si JEllaine sa kanila, hindi niya mahulaan ang expresyon ng mukha nito. Naalala niya si Dionne at ang kasama nitong babae, magmumukha naman siyang tsismoso kapag banggitin niya ang tungkol dun. Mahirap na.

“Anak, kapag wala gaanong gagawin si Papa, tutuloy ako rito, maglalaro ulit tayo ng lego, saka, I’ll teach you how to play basketball ang some shots!”

“Talaga po, Papa?”

“Yes. I will. I promise. Basta ipangako mo sa akin na lagi kang magpapakabait ha, good boy lagi.”

“Zanjo, kung pupuwede sana, huwag kang mangangako sa bata.” Seryosong sabi ni Jellaine. Tumingin si Zanjo sa kanya.

“I will do it, Jellaine.”

“Huwag sanang umasa ang anak mo, Zanjo. Ayokong maranasan niya na mabigo, pagkatapos ay ikaw ang dahilan.” Inihatid na niya ito sa may pinto. Pauwi na kasi siya. Bakit parang tumagos ang mga salitang iyon kay Zanjo, tinamaan siya.

“Jellaine, kung sakaling hindi ko matutupad ang pangakong iyon, sisiguraduhn kong hindi ko kagustuhan ang dahilan. Salamat sa pagpapalaki mo sa anak natin, salamat at hindi mo siya ipinagdamot sa akin sa kabila ng lahat ng nangyari. Salamat at kausap pa rin kita ngayon.”

Ngayon lamang kasi nakakuha ng magandang tiyempo si Zanjo. Seryoso lamang ang mukha ni JEllaine habang kausap siya ni Zanjo.

“Para sa ikakaligaya ng anak ko, Zanjo, kaya kong gawin ang lahat. Kahit pa isakripisyo ko ang sarili ko.”

Zanjo smiled. “Salamat.”

Tuloy inspirado siya sa trabaho, maayos ang mood niya, ganun pala kasarap ang magkaroon ng isang anak, ng isang pamilya. Si JEllaine na lamang ang kulang, makukumpleto na siya. Kung saan ay ganun lamang kadaling ayusin ang lahat. Nung hapon na iyon, maaga niyang tinapos ang meeting, na miss niya kasi si Mackie, kasama na siyempre si JEllaine, lately ay naiisip niya ito. Nasa kahabaan na ng hiway ang minamaneho niyang kotse nung mahagip nang paningin niya si Dionne. Nasa kabilang lane rin ang kotse nito at may kasama itong babae? Kung hindi siya nagkakamali, it was the same girl he saw at the mall? Pinagtataksilan na ba talaga nito si Jellaine?

Biglang napamura siya nung nagkatapat sila ng sasakyan, sigurado niyang makikita siya nito kung lilingon ito sa gawi niya. Nagulat siya nung biglang hinalikan nito ang babaeng kasama sa pisngi!

“What the fuck!” Of all the people, bakit si Dionne pa ang makikita niya, at bakit si Jellaine pa ang nakuha nitong pagtaksilan. He just wished that Dionne will see him right at this moment para naman malaman nito na alam niyang may nakakakita sa kanya. Pero umandar na lamang pareho ang sasakyan nila ay hindi ito nagawo sa direksiyon niya. Naikuyom niya ang mga kamao.

The Hardest BattleHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin