35

16.8K 308 15
                                    

35

-A short update for those people who are reading this..salamat! Pipilitin kong tapusin ang story na to....

********************************************8

Hindi alam ni Zanjo ang mararamdaman, kinakabahan siya dahil unang beses niyang pupunta ng PTA meeting at the same time excited dahil unang beses na mabubuo silang mag-anak. Maagang-maaga pa ay nasa bahay na siya nina Jellaine. Agad na niyakap siya ng anak na noon ay nakapantulog pa.

“Ang aga mo naman, Zanjo?” Tanong ni Jellaine.

How he missed the way Jellaine would call his name. Nakangiti ito habang pinapakain ang anak. What if nagkatuluyan sila? Siguro ang saya niya ngayon, siguro ay may kapatid na si Mackie.

“Saluhan mo na kami, nagbreakfast ka na ba?”

“Okay lang ba?” Alanganing tanong niya, kumain na siya pero parang bigla siyang nagutom nung makita ang mag-ina niya.

“Sure. Wait baby ha, kukunan natin ng plato ang Papa mo.” Hindi na kasi niya matawag ang kasambahay.

Bakit sa loob ng apat na taon na may asawa siya, ito pa lang yung pinakamasarap at pinakamasayang agahan na natikman niya? Simpleng hotdogs, eggs and bacon lang naman ang ulam. Ang kulit ni Mackie, si Jellaine naman, ang tiyaga sa anak.

Hinintay na lamang niya ang anak at si Jellaine sa sala habang nakikipagkuwentuhan sa ama ng dalaga. Nalaman niya na ang dami rin palang pinagdaanan ng love story nila ng Nanay ni Jellaine bago sila naging masaya, in fact, iilang taon pa lang ang nakalipas simula ng nagkaayos sila.

Would that mean may pag-asa pa silang mabuo na isang pamilya?

************

Okay naman ang naging takbo ng meeting, nagpakilala siya bilang ama ni Mackie ganun din naman si Jellaine. Kung pupuwede nga lang din sanang magpakilala bilang asawa nito, ginawa na niya. Pagkatapos ay niyaya niya ang mag-ina niya sa mall para mamasyal, balak niya kasing bilhan ng bagong laruan ang anak.

Nung papasok na sila ng mall ay biglang hinawakan ni Mackie ang kamay nila, ganun din ang ginawa nito sa kamay ni Jellaine, tuloy parang pamilya talaga silang tatlo. Alam mong hindi mababayaran ang tuwa ng bata. Dumaan sila sa Toy Kingdom at hinayaan niya si Mackie na mamili ng laruan na gusto nito.

Pagkatapos ay sabay silang naglunch sa isang fast food chain na gusto ng bata. Bago niya hinatid ang mag-ina niya ay dumaan uli sila sa toy section ng mall para bumili ng ring ng basketball, nangungulit kasi si Mackie na turuan niya itong magbasketball. Ikinabit niya muna ito bago umuwi.

Hindi niya ininda ang konting pagod kumpara sa labis na kasiyahan na ibinigay ng anak. Alam niya, mapapadalas ang dalaw niya kina Jellaine. At wala siyang balak na sabihin iyon kay Milette. Lalo na at alam niyang gumagawa ito ng kalokohan, mangangalap lamang siya ng ebidensiya para wala na itong kawala sa anumang gusto niyang mangyari sa relasyon nilang dalawa.

****************

Isang galit nag alit na Milette ang sumalubong sa kanya pag-uwi. Tulad dati, may itinapon na naman itong gamit sa kanya. Lately, nagiging bayolente ang asawa kapag nag-aaway sila.

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now