32

17.4K 349 22
                                    

32

I just enjoy what I am doing…legality wise, hindi ko inisip when I typed the previous chapter, saka na lang ako mag eedit kapag natapos ko na at kapag tinopak ako ng bongga! So,pagtiisan ninyo ang keri ng brain cells ko, sabi nga ni JEllaine…wahahaha! Peace!

**************

“That’s bullshit, Zanjo! I told you, you cannot file a divorce! I won’t cooperate!” Sigaw ni Milette sa kanya. Pero tulad dati ay hindi niya ito pinansin. Ano pa ba ang bago sa kanila. Away dito away doon, walang pinipiling lugar si Milette, kahit pampubliko man. Minsan, siya na ang nahihiya sa pinaggagagawa ng babae.

Oo, asawa niya ito, kung tatanungin mo kung pinagsisihan ba niya na pinakasalan niya ito, masama mang sumagot ng oo ay iyon ang totoo. Ilang buwan lang ba silang naging okay? Isa o dalawa? Pagkatapos noon ay madalas na nag-aaway sila. Kahit sa maliliit na bagay may pinagtatalunan sila.

Pero madalas ay iisang babae ang madalas nitong isingit sa mga away nila…si Jellaine. Nalulungkot siya kapag naaalala niya ang babaeng minahal. Madalas naiisip niya kung ano ba ang ginagawa nito ngayon, kung tulad ba niya ay may asawa na ba ito. Masaya ba ito sa ngayon? Pero higit sa lahat, lagi niyang tinatanong kung kumusta na ba ang anak nito?

Kung kumusta na ang anak nila.

Anak nila, madalas ay naiisip talaga niyang anak nila ito. Apat na taon na ang nakaraan, apat na taon na rin ito. Sa apat na taon na yun, pinilit niyang hindi alamin kung ano ang nangyari kay Jellaine. Alam naman niyang hindi sila nagkatuluyan ni Dionne dahil sa ngayon, ang alam niya ay single pa rin ito. Kung talagang seryoso it okay Jellaine, siguro ay nasa Japan na ito, kung talagang anak nito ang ipinagbubuntis ni Jellaine, hindi nito hahayaang umalis ang dalaga.

Marami siyang pinagsisihan sa mga nangyari, kung siguro hindi siya nagpadala sa galit niya, malamang naayos ang lahat, pero lagi namang nasa huli ang pagsisisi, hindi ba?  

Wala na siyang babalikan, malamang abot hanggang langit ang galit ni Jellaine sa kanya.

“Iniisip mo na naman siya?  

“I’m tired, Milette. Papers will arrive soon, you have to cooperate, you know that our marriage doesn’t work anymore. We tried, I tried, but you see, we…”

“Shut up, Zanjo! Hindi mo makukuha ang gusto mo! Never!” Then she walked away. Milette knew that this marriage won’t work in the first place, pero umasa siya, umasa siya na kahit katiting ay mamahalin siya ni Zanjo. Umasa siya dahil pumayag ito na pakasalan siya. Pero hindi, alam niya na sa apat na taon na magkasama sila ay hindi siya nito minahal. Oo nga at sumubok ito tulad ng sinasabi niya, pero alam niya na walang nagyari. Kaya galit siya, kaya hindi niya ibibigay ang katahimikan na ninanais nito.

Galit siya dahil sa dami ng mga nagawa niya para makuha ang pagmamahal ni Zanjo ay wala pa ring nagyari, she planned evil things and won, but still she didn’t win over Zanjo’s heart. Paano kapag nalaman ni Zanjo na siya ang may pakana ng lahat-lahat?

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now