37

16.2K 331 11
                                    

37

The detective hand in all the documents that he needed, mula sa asawa niya hanggang kay Gina. Confirmed that Gina is in the Metro right now, may naibigay rin na address and inupahan nyang imbestigador.

Ngayon ay hawak naman niya ang folder ni Milette. All information he needed is inside that envelope. Nauna niyang inilabas ang mga larawan. Kuha sa iba’t ibang lugar at sa iba’t-ibang okasyon. Umalsa ang lahat ng dugo niya sa katawan. Alam niyang gumagawa ng kalokohan ang asawa niya pero kapag nasa harap mo na pala ang lahat ng ebidensiya ay manginginig  ka pa rin sa galit.

“Iba’t ibang lalaki po ang kinakasama ng asawa ninyo Sir, pero meron pong madalas na tinatawagan at kasama niya. Brandon Dimatablan ang pangalan” Itinuro ng detective ang larawan nito.

“Nandiyan po ang profile niya Sir, may mga videos rin po akong nakuha. Ihanda nyo na lamang po ang sarili ninyo Sir sa mga mapapanood ninyo.” Paalala nito sa kanya.

“I know.” Matagal naman din silang hindi nagkasama ni Milette sa iisang kama. Simula nang naramdaman niyang may ginagawang kalokohan ang asawa.

“Sir, nandiyan na rin po ang impormasyon tungkol sa taong pinagkukunan niya ng droga, sana lamang po ay maipagamot siya habang kaya pa.”

“Sige. Salamat sa lahat ng ito. Kunin mo ang bayad mo sa secretary ko.”

*******************************

He decided to go first to Gina, isinama niya si Dionne. He owe a lot to him, four years ago, ang laki ng galit niya sa dating kaibigan. Ngayon, kung gusto man niyang malinawan, gusto niyang kasama si Dionne.

“Zanjo, I guess it would be better if we will include Jellaine as well, sa ating tatlo, mas higit na kailangan niyang alamin ang katotohanan.Siya ang higit na apektado.”

Awkward pala ang ganitong sitwasyon, yung sa iisang kotse sila, si Jellaine kasama si Zanjo at si Dionne. Si Zanjo ang unang nagsalita.

“I know I may sound late but I sincerely apologize for what had happened four years ago. Alam kong ang laki ng pagkakamaling nagawa ko. Sa iyo Jellaine lalo na, sa anak natin. Ganun rin sayo Dionne. Isinuko at piagdudahan ko ang pagkakaibigan nating dalawa.” Malungkot na sabi niya.

“Everything happened for a reason, Zanjo. Natututo tayo dahil dun, asahan mong hindi ako nagtanim ng galit sayo, oo, aaminin ko nung una, talagang galit ako dahil sa ginawa mo kay JEllaine, but time heals, at sa ngayon, masasabi kong napatawad na kita.”

Jellaine could not say a word, nag-uusap yung dating magkaibigan na nagkasira dahil sa kanya at ngayon ay handang patawarin ang isa’t isa.

“Salamat. I-I’m r-really happy for both of you.” Zanjo said those words sincerely pero yung salitang masaya, parang dun niya pinagdudahan ang sarili dahil alam niya sa kaloob-looban niya na hindi siya kailan man naging lubusang masaya simula nung nagkahiwalay sila ni Jellaine at lalo nung ikinasal siya kay Milette.

Bago pa nakapagsalita ang dalawa ay narating na nila ang address ni Gina na ibinigay ng detective. Jellaine is crossing her fingers that Gina is there para naman kahit papaano ay matahimik na silang tatlo, kahit pa nga sabihin mo pa na apat na taon na ang nakalipas, hindi pa rin malinaw sa kanila ang lahat.

The Hardest BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon