36

16K 327 3
                                    

36

“What do you mean?” Nagsalubong ang mga kilay ni Zanjo. Paanong ikakasal si Jellaine kay Dionne?

“You heard it right my dear husband! You’re ex will soon marry Dionne! I pity you.” Nakaarko pa ang kilay nito. “

Hindi siya sumagot, ni hindi siya nagpakita ng anumang emosyon sa harap ni Milette, pero ang daming tanong ang nasa isip niya ngayon. Kung ikakasal sila, ibig sabihin nobyo nito si Dionne? Akal aba niya ay walang relasyon ang dalawa? Pag natuloy, malamang dito sila sa Pilipinas magpapakasal, walang divorce.

“You’re speechless, Zanjo? Good for you. I have to go. See you around.” Tila nanunuya pang sabi ni milette sa kanya. Tuwang-tuwa ito sa nakikitang reaksiyon ng asawa tungkol sa ibinalita niya.

******************

Naglalakad sina Jellaine at Mackie sa mall nung mahagip ng paningin niya ang isang pamilyar na mukha. Hindi siya pupuwedeng magkamali!

Si Gina!

Muling tinignan niya ito, malaki ang ibinagsak ng katawan ng babae pero alam niyang si Gina ito. Paano ba niya makakalimutan ang babaeng naging dahilan ng paghihirap niya dati? Sinundan niya ito ng tingin habang hawak si Mackie pero mabilis ring nawala. Sobrang kinakabahan siya. Kailangan niyang makausap ang dating kaibigan. Kailangang malinawan siya ng mga pangyayari ilang taon na ang nakalipas.

“What’s wrong, Mama?” Tanong ni Mackie sa kanya. Hindi niya kasi namamalayan na nahihila na niya ito sa pagmamadaling mahanap si Gina.

“Wala anak. I thought I saw someone I knew.” Sabin a lamang niya, marami pang pagkakataon, ngayong nakita niya si Gina, alam niyang magkikita at magkikita pa sila, at kapag nangyari iyon, sisiguraduhin niyang magkakausap silang dalawa.

Ibinili na niya ang anak ng mga kakailanganin nito sa school pagkatapos ay nagpasya na silang umuwi. Bigla kasing sumakit ang ulo niya nung pinilit niyang habulin si Gina na kasama si Mackie. Kung hindi lang dahil sa anak, malamang na hindi niya titigilan ang babae.

Nagulat pa siya nung may maabutan siyang bisita na naghihintay sa kanila. Si Zanjo.

“Papa!” Agad na takbo ni Mackie sa kanya. Talaga naman ang anak niya, hindi maitago ang pagkasabik sa ama.

“We went to the mall and look what I got! This is for our school project.” Ipinakita pa nito ang mga nabili nilang art materials. Humiling pa ito na tulungan siya sa gagawing project kaya medyo natagalan si Zanjo sap ag-uwi. Kahit pa nga hindi siya marunong sa pagugupit at pagguhit ay napilitan siyang gawin para kay Mackie.

Pauwi na siya nug makasalubong niya si Dionne, may dala itong kung ano. Nakita niyang natuwa rin ang anak nung makita ito. Tinanguan niya lang ang dating kaibigan. Pagkasakay sa kotse ay nakaramdam siya ng selos, lalo na nung lingunin niya ang tatlo. Kaarga ni Dionne ang anak habang kinuha naman ni JEllaine ang dala ng binata. Kung sana ay hindi siya naging gago four years ago, di masaya sila ngayon. Pero ano pa ba ang magagawa niya?

Malungkot na pinaandar niya ang kotse.

“Are you alright?” Tanong ni Dionne sa kanya.

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now