10 No Choice

20.3K 331 10
                                    

10

May nagbabasa na rin pala nito? Salamat

*****************

Binilang ni Jellaine ang laman nang ATM niya at ang bigay nang Ninang niya at ang ipinahiram ni Gina. Hindi pa rin aabot. Gusto na niyang umiyak, hindi talaga kakasya, bibili pa siya nang gamot at yung mga gamot pa na kakailangan nang nanay niya pagkalabas ng hospital. Tulalang naglakadd siya papuntang hospital, dala ang iilang gamit na kakailanganin nang nanay niya. Nakita siya ni Gina sa ganoong sitwasyon.

“Jelly, daan ka muna.” Tawag nito sa kaibigan. Nalulungkot siya dahil hindi sapat ang naibigay nitong pera kay Jelly. Naubos na rin kasi yung ipon niya, daming gastusin sa bahay nila lalo at wala na namang trabaho ang Tatay niya at sa kanya na naman lahat umaasa. Si Jellaine lang naman kasi ang kaibigan niyang matalik na sa totoo lang ay nakakaintindi sa mga kalokohan niya kung minsan.

“KUmusta ang Nanay mo? Nakahanap ka na ba nang pera para sa kanya? Pasensiya na ha, yun lang ang napahiram ko sayo.” Malungkot na sabi niya.

“Naku! Malaking tulong na ang limang libo, Gina. Salamat talaga. Yun nga lang, kulang na kulang ang pera ko, hindi ko nga alam saan kukuha nang pambayad.” Namomoroblemang sabi niya.

“Jelly, eto suggestion lang naman ha, nasa sa iyo kung susundin mo. Bakit kaya hindi ka humiram nang pera kay Zanjo? Tutal nobyo mo naman siya.”

Naisip na niya yun kaso nakakahiya talaga, baka ano ang isipin ni Zanjo sa kanya. Isa siyang oportunista? Saka, ano ang ibabayad niya? Alam niya kasing malaking halaga ang kakailanganin at hindi niya mababayaran yun nang ganun kadali.

“Wala ang maipambaabayad sa kanya, Gina.”

“Alam ko, sa palagay mob a, yang mga inutangan mo di ka sisingilin? Kahit siguro ako, sisingilin rin kita kapag ako naman ang nangangailangan nang pera, di ba? Saka, kailan ka pa makakabayad sa mga yan? Kung sa 5-6 ka naman kukuha nang pera, aba, mas mababaon ka sa utang. Practical na lamang tayo, Jelly, alam ko, hindi tatanggi si Zanjo sa iyo.”

“Ewan ko, Gina. What if iba ang hihingin niyang pambayad sa akin?”

Natawa ang kaibigan niya. “You mean, wala pang nangyayari sa inyo?” Direchong tanong nito sa kanya. Namula nang todo si Jellaine. “Kahit kailan talaga Jelly, pa virgin ka pa! Buti hindi ka iniiwan ni Zanjo? O hindi siya naghahanap nang iba?”

“Gina naman.”

“Totoo, Jelly. Ang mga lalaki, may pangangailangan sila na siyempre binibigay nating mga babae. Alam mo, may naisip ako, kapag pumayag si Zanjo na pautangin ka, which I know he will, ibigay mo yang pinaka iingatan mo.”

“Gina! Napaka bulgar mo talaga!” Siya ang nahihiya sa pinagsasasabi nito. Alam niya naman na modern ang pag-iisip nang kaibigan pero kapag pala narinig mo mismo at hindi ka sanay ay maeeskandalo ka pa rin.

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now