19

20.6K 367 26
                                    

19

Pabalik na sila nang opisina. Ni wala siyang narinig na isang salita galing kay JEllaine, mas lalong nahihirapan si Zanjo.

“Jellaine, what JC was talking about a while ago is purely joke. Wag kang maniniwala sa kanya. Wala akong kilalang Danica o Rowena man lang.” Para siyang engot na nagpapaliwanag sa babaeng hindi niya alam kung nakikinig bas a kanya o hindi.

Nakakfrustrate naman oh! Why is she not talking to him! Sinasabi na nga ba niya, hindi maganda ang naisip na yun ni JC! Mas lalo yatang lumala ang sitwasyon. Baka iniisip ni Jellaine na may iba pa siyang karelasyon nung sila pang dalawa.

Hangang sa bumaba sila nang sasakyan ay hindi pa rin nagrereact si JEllaine. Ni isang salita ay wala itong sinabi. Hanggang sa makapasok sila sa opisina.

“Jellaine.” Hinawakan ni Zanjo ang braso nito, he wanted her to speak her mind, tell him how she feels right now.

“Don’t touch me!”

“JEllaine, talk! Mas mabuti pa na murahin mo ako, sampalin mo ako, saktan mo ako, kesa yung ganyan ka, yung hindi ka nagsasalita. Yung hindi ko alam ang nararamdaman mo.”

“Bakit kung makapgsalita ka parang wala lang ang nangyari, Zanjo? Na parang ang simple lang nang lahat. Na sorry, maling tao lang pala. Sorry kasi hindi pala ikaw yun.”

“ Gusto mo bang malaman yung nararamdaman ko? I had loved you! Yung tipong hindi ako nag-isip nang tama at mali. Yung akala ko talagang in love ka sa akin. I believed na may matino pang lalaki, na may hindi gagaya sa tatay ko.”

Hindi nakapagsalita si Zanjo.

“Ni hindi ako nagtatanong kung bakit hindi mo masabi sa akin yung salitang I love you. I was just contented. I was happy. That night, akala ko yun na talaga.”

“JEllaine.”

“Somebody knocked at the door. I rushed to open it. I was so worried about you that time, bigla ka kasing nawala. Naisip ko, nakuha mo na kasi, mawawala ka na ba? Then I heard the knock. Sabi ko sa sarili ko, bumili ka lang yata nang pagkain, but I was wrong. A woman was there! Same woman who told me that I am an idiot.”

Si Milette!

“She told me about you and Dionne and the plan. Ni hindi ko kilala sino si Dionne, bakit mo ako gagantian? Mukhang mali siya nang kinakausap, pero ako talaga eh, she gave me the address. Sabi ko pa nga, naninira lang siya but when I went to your room, I saw that envelope. I saw my pictures and the details. I saw the truth. I saw how you hate me.”

Hindi nakaimik si Zanjo. Jellaine continued, wala ni isang patak nang luha.

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now