24

19.8K 326 7
                                    

24

Simpleng update….yan ang kinaya ng utak kong sabog!

*******************

“Sa bahay ba tayo pupunta, Zanjo?” Papunta kasi sa bahay nila ang sasakyan ng binata.

“Yes.”

“Bakit?”

“I wanted to inform your Mom that we’re engaged already.” Seryosong-seryoso ito nung sinabi yun.

“What! Zanjo, hindi na ako natutuwa.”

“Chill. Nagbibiro lang ako. Magpapaalam lang ako sa kanya na ligawan ka. You gave me a second chance, right? I want to start right, JEllaine. Siyempre, ang pagpapaalam sa nanay mo ang umpisa.”

Napangiti siya, tama nga naman. Nung nagkarelasyon sila dati, hindi niya sinabi sa Nanay niya. Nagyon, kung sakali, mas mabuti na alam nito.

“Pero, gusto ko lang linawin, Zanjo. Manliligaw ka muna.”

“Manliligaw?” Reklamo nito. “Tayo na dati, di ba? Di ba pupuwedeng to be continued?”

“Aba! Sinusuwerte ka lang ha! Eh ni hindi mo nga ako niligawan dati, dinaan mo lang ako sa gulat. Maghirap ka nga muna ngayon kahit papano.”

“Ang sabihin mo, in-love ka lang talaga sa akin. Ako nga, akala ko dati hindi ako in-love sayo, pero yung ginawa ko palang bitag, ako rin yung mahuhulog. Di ko namalayan, nasa ilalim na ako, lunod na ako sayo.  Di ko lang maamin.”

Napangiti si JEllaine. Kinikilig siya, ayaw lang pahalata, baka lumaki lalo ang ulo ng kaharap.

Nagulat ang Nanay niya nung makita sila, tumingin it okay Zanjo. Nakalimutan niyang hindi pa pala niya nasasabi sa Nanay niya na sa binata siya nagtatrabaho, at nagulat ito dahil ang buong akala ng Nanay niya nasa trabaho siya ngayon. Eto kasing si Zanjo, kung anu-ano ang napagtritripang gawin at sabihin. Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano pa ang mukhang ihaharap niya sa opisina.

Nagmano si Zanjo.

“Ikaw ba iho at ang anak ko ay magkasintahan na ha?”

“Nay!”

“Hindi pa po, Nay. Pero nagpunta po ako ulit rito para magpaalam, manliligaw po sana ako sa anak ninyo. Okay lang po ba, Nay?”

The Hardest BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon