END

22.1K 592 65
                                    

END

HUwag na namang nagcocomment ng special chapter ha…kayo na talaga! Napapaisip ako kasi, konti na lang utak ko, endangered na. Saka, intindihin nyo ang ending, dumugo utak ko jan...mga ilang oras ko ring pinag-isipan, mga 60 minutes..

****************

“Jellaine?” nakapamaywang si Jellaine nung pagbuksan niya ng pinto si Zanjo.

“Sorry na oh, di ko sinasadya talaga, saka, inayos ko na yung dalawa, di ako nakatulog sa kakaisip nang paraan, parang –awa mo na oh, patawarin mo na ako.” Kulang na lang yata lumuhod siya, at talagang gagawin niya iyon kung kinakailangan.

Nakatingin pa rin si Jellaine sa kanya. “Jellaine?”

“Mama? Are you quarrelling?” Biglang nagsalita si Mackie sa tabi niya, kita mo na, sa sobrang isip niya ay hindi niya napansin si Mackie na nasa tabi lamang pala ni Jellaine.

“No, Mackie.” Ngumiti si Jellaine sa anak. “Can you go to Yaya now?”

Bago ito umalis ay nagpahabol pa. “Papa, can you stay here? Mama misses you.”

Naku! Ke bata-bata ay may nalalaman nang ganun ang anak. Nung tignan niya si Zanjo ay nakangisi na. “O, anong problema mo, lampas ka na sa oras.” Sabay tingin sa relo.

“Jellaine naman, hinanap ko pa si Cocoh Martine kaya.”

“At naghahanap ka pa nang alibi ha?”

“hindi ako nag aalibi, ayan mo, may video ako, panoorin mo pa, bati na sina Dionne at Zainah.” Ibinigay ni Zanjo ang cell phone niya kay Jellaine. Nakasimangot na tinanggap ito ng dalaga, may nalalaman pang Cocoh Martine ha, di ba artista yun? Nung tignan niya ang cell phone ay naka off ito.

“Ako ba niloloko mo, Zanjo ha?” Padabog na ibinalik ang telepono sa kaharap.

Nagtatakang tinanggap ito ni Zanjo. Napasigaw siya. “Lowbat! I could not believe it! Lowbatt ako? Ano ba! Ang malas ko naman!”

Nakangiting tumalikod si Jellaine.Ang sarap pahirapan ng mokong na to, ang cute.

“Jellaine, pahiram naman ng charger oh, promise, nagkaayos na talaga sila, kung gusto mo tawagan mo pa si Dionne o si Zainah.” Humabol siya sa loob ng bahay.

“Naman Jellaine oh! Ang hirap mo talagang suyuin! Wala pa akong tulog.”

“Eh di sumuko ka na, umuwi ka na.” Ayaw pa rin niyang tignan si Zanjo, mahuhuli kasi siyang ngumingiti.

“Hindi! Kahit kailan hindi ko gagawin yun. May energy pa ako, kahit wala akong tulog ay okay lang.”

“Papa, why don’t you just hug Mama, she’s just missing you, don’t fight anymore.” Nakatigin lamang si Mackie sa kanila, hawak nito sa kabilang kamay yung feeding bottle nito.

“Your Mama is so pakipot, baby, ayaw aminin na mahal na mahal niya ako, halata naman siya.” Biglang sagot niya sa anak.

The Hardest BattleTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang