43

13.8K 329 18
                                    

kahit sa tablet ay pinagtiyagaan kong itype ito, para dun sa mga nagbabasa...salamat...Pagbigyan na natin si Zanjo, nakakapagod rin  kayang magpakipot.

***************

Nasa labas na sila ng restaurant, hawak pa rin niya ang kamay ni Jellaine. Hinihila ito ng dalaga pero mahigpit pa rin ang hawak ni Zanjo. Papunta na sila sa kotse nito. Agad na binuksan ni Zanjo ang passenger's seat at pinapasok siya. Then mabilis na pumunta sa driver's seat.

Nung akmang lalabas na si Jellaine ay hindi na niya mabuksan abg pinto. Naka locked!

"Ano bang problema mo ha, Zanjo?"

Wala siyang nakuhang sagot rito. Pinaandar niya lamang ang kotse.

"Ano ba! This is insane, Zanjo! Nag-uusap kami ni Dionne, bigla ka na lamang darating at hihilain mo ako.Anong problema mo?"

Hindi pa rin sumasagot si Zanjo, nakatutok lamang ang tingin nito sa daan.

"Ano ba,Zanjo! Speak!"She demanded.

Agad na inihinto ni Zanjo ang kotse sa gilid ng daan. "Hindi mo alam ang nararamdaman ko,Jellaine."

"Then ano ang nararamdaman mo ha!" Sumigaw na siya.

"I love you! Mahal na mahal kita, dammit! Alam mo ba yung nararamdaman ko tuwing nakikita ko kayo ni Dionne? Para akong unti-unting namamatay,Jellaine. Nadudurog ako  Gusto kong kunin ka at hilain ka tuwing kinakausap ka niya."

"Zanjo." Nagulat siya sa nakikitang emosyon sa mga mata nito.

"Alam kong ang laki ng kasalanan at pagkukulang ko sa iyo, sa inyo ng mga anak ko. Sobrang laki ng pagsisisi ko, Jellaine. I suffered for years. Pero okay lang, ang hinihingi ko lang naman ay isa pang pagkakataon."

"Okay, I understand na mahirap, na masakit. But I knew something about him, about Dionne. Ayaw kong saktan ka niya."

She's confused with the last line. "What do you mean?"

"He's having an affair,Jellaine. At iyon ay dun sa kausap niya kanina, dun sa kausap mo. I don't know if you knew about her."

Now it's clear to her. Akala nito ay hindi niya alam na may kasintahan si Dionne. "I knew about her.

"Then are you out of your mind? Bakit mo ipagsisiksikan ng sarili mo sa taong may mahal ng iba?"

"Ikaw, bakit mo ba ipinagsisiksikan ang sarili mo sa taong may mahal ng iba?" Ibinalik niya ang tanong kay Zanjo.

"Dahil mahal...dahil mahal kita."

"Siguro naman nasagot ko ng tanong mo?" Pag-iiwas niya ng tingin.

"Jellaine.."

Narinig na naman niyang tumunog ang cell phone niya, kanina pa iyon tumutunog, and she knew that it is Dionne who's calling.

"Ibalik mo na ako." She said.

"No." Zanjo said. "Ibabalik lamang kita kapag nakapag-isip ka na."

"Baliw ka ba ha!"

"Baliw na kung baliw, Jellaine." Pinaandar na nito ang kotse.

"Ibaba no nga ako, Zanjo. This is kidnapping! I can sue you!"

"Kung kikidnapin ba kita para lamang malaman mong ako ang lalaking para sa iyo, kakasuhan mo ba ako? Kung sasabihin ko bang handa akong makulong para lamang mapatunayan ko sa iyong mahal na mahal kita, maniniwala ka ba?"

Shit! Ang corny ng taong ito.

"Mackie will be looking for me, Zanjo." Mahinahon niyang sabi. "Please, nakikiusap ako. Stop this."

"Damn!" Napahampas siya sa manibela. He doesn't like seeing and hearing Jellaine like this.

"I'm sorry. May pupuntahan lamang tayo, after that, iuuwi na kita. You can answer the phone now, Jellaine. Tell Dionne na uuwi rin tayo."

Ginawa naman niya ang sinasabi nito.

"Mukhang natataranta na si lover boy, Jellaine." Nagawa pang manukso ni Dionne sa kanya.

Tahimik lamang sila habang nagmamaneho si Zanjo. Malayo na rin ang nararating nila. Pumasok sila sa isang hindi pamilyar na lugar sa kanya. Sa gitna ng malawak na lupaing iyon ay ang isang napakalaking bahay. They stopped in front of the big house.

Bumaba si Zanjo at pinagbuksan siya ng pinto at inalalayang bumaba.

"Anong lugar ito?" She asked.

"Alam mo bang para akong tanga nung pinapatayo ko ito." Simula ng binata.

"Ang sabi ko,dito ko ititira ang mag-ina ko, kayo ni Mackie. But that time, alam kong magiging imposible iyon, but still I managed to continue building this. Hindi ko alam, but that time, I was living in a fantasy. I was hoping na darating ang araw na mabubuo tayo. Baliw ba ako ha, Jellaine?" Tumawa lamang ito.

"Zanjo."

"Sorry, Jellaine. Alam kong nagugulo na ang buhay mo dahil sa akin, pero huli na ito."

Biglang bumilos ang tibok ng puso ni Jellaine. Anong ibig sabihin ni Zanjo?

"Pagkatapos nito, hindi na kita guguluhin ulit. Hahayaan na kita. Sorry kung nagugulo ka dahil sa akin. Pero hayaan mo muna na makasama kita ngayon. Hayaan mo munang kahit papaano ay maramdaman kong nagkatotoo ang pangarap ko dati. Kahit ngayon lamang Jellaine."

She didn't react. Nagpatianod na lamang siya sa gusto ni Zanjo na mangyari. He held her hand. Binuksan ni Zanjo ang pinto.

"Ang sabi ko dati, kailangang malaki yung magiging bahay natin kasi gusto ko nang maraming anak. Gusto ko nang malaki yung paglalaruan nila." Bakit sumisikip ang dibdib niya habang sinasabi iyon ni Zanjo.

Nasa kitchen na sila ng bahay. "Sabi ko, ang hilig mong magluto kaya dapat maganda yung kitchen, gusto ko mag eenjoy ka habang nandirito ka."

"Zanjo naman."

"Hayaan mo na muna ako, Jellaine."

Tumahimik na lamang siya. Pinasok nila pati ang recreation room, fully furnished na anv bahay kaya nagtataka siya. Halatang na mamaintain lamang ang kalinisan nito. Then they reached a big room.

"This is the master's bedroom Jellaine."

Nakakainis ka Zanjo! At naiinis rin siya sa sarili niya dahil kinakabahan siya sa sandaling ito, kinakabahan na kinikilig. Normal pa ba siya? Tanaw ang napakalaking swimming pool mula sa bintana ng kuwartong iyon. Jellaine stayed there. Kung sakaling bibigyan niya ng pagkakataon si Zanjo ngayon, ano ang mangyayari sa kanila? Will they be happy? Konti na lamang talaga ang bibigay na siya.

Nagulat siya nung naramdaman niya si Zanjo mula sa likod niya. He hugged her tight from her back. Dinig na niya yata ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi siya nag react, hinayaan na lamang niya ito  Zanjo kissed her hair. Bakit parang naiiyak siya sa simpleng gesture na iyon.

"I love you. I always will. Sana pupuwede pa tayo, Jellaine. Sana may time machine ako para ibalik ang lahat." Humarap siya rito. Yun yata ang pinakamalaking pagkakamali niya. Dahil hindi niya kinaya ang mga titig nito.

When Jellaine looked at him, he was mesmerized and he was not able to suppress what he felt. He was not able to control himself of not doing it.

of not kissing  her!

He kissed her and Jellaine kissed her back!

****************

-Xian-

The Hardest BattleOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz