21

20.3K 360 9
                                    

21

Wala lang basagan ng trip kong gawin sa buhay...kanya-kanyang like lang yan...di ba?

************************

“Ganda naman ng cell phone mo, girl.”

“Hindi sa akin ito, ibabalik ko after ng contract ko sa company. Hindi ko nga alam paano gamitin. Mabuti pa yung antique kong cell phone.”

“Masyado kasing sosyal friend. Ano bang bago mong number?”

Nahirapan pa si Jellaine na hanapin ang number niya, hindi naman kasi niya memoryado. Nagtanong nga ang Nanay niya kung saan galing ang gamit niya, tulad ng sinabi ni Zanjo, issue ng company at kailangan ibalik after the contract, kaya kailangan ng ibayong ingat. Nagulat pa siya nung mag vibrate ang cell phone niya, naka silent kasi dahil nasa school sila, finals nila ngayon at next week, start na ng sembreak, may kailangan lang silang tapusing projects.

“Sagutin mo na, wala pa naman si Ma’am.”

“Number lang eh.”

“Malay mo, Boss mo yan. E di lagot ka.”

Hindi nga pala niya alam ang number ni Zanjo, hindi niya na save.

“hello.”

“Bakit ang tagal mong sumagot.” Naiirita si Zanjo, kanina pa siya tawag ng tawag kay Jellaine at hindi ito sumasagot.

“Sorry, naka silent kasi, nasa school ako. Bakit ba?” Hindi naman kasi office hours. May tatlong oras pa siya.

Zanjo gave a deep sigh, sa lahat ng empleyado niya, si Jellaine lang ang hindi natitinag sa kanya. Ni hindi niya ito nakikitaan ng takot kahit pa irritable na siya. Hindi niya nga akalain na ganun ito katapang. Malayo sa inaakala niya.

“I’ll fetch you. Kakain tayo sa labas.” Then he end the call, ayaw niyang marinig ang pagtanggi na naman ni Jellaine. Napapagod na siya sa kakaisip nang strategy para sa dalaga. Ang hirap-hirap nitong amuin. Pero kahit kailan, hindi niya ito masisisi, alam niyang kasalanan niya. Pero sabi nga, time heals, sana ganun rin yung sa kanila.

“Sino yun?”

“Boss ko.”

“Galit ba? Mukha kang problemado.”

“Hindi naman. Halika na, tapusin na natin to, may trabaho pa ako mamaya.”

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now