45

14.8K 359 39
                                    

45

Ilang subok akong i upload ang chapter na ito, pinahirapan ako, di yata nag aagree ang wattpad sa update na ito, masyadong corny. tsk!

*******************************

Nung marinig ang mga sinabi ni JEllaine ay mabilis pa sa alas kuwartrong umalis si Zanjo, hahanapin niya sina Dionne at ang girlfriend nito. Nagpalinga-linga siya sa paligid pero wala! Nasaan sila? Nagtataka siya dahil biglang hindi niya makita ang dalawa. Ganun ba kabilis ang mga ito na mawala? Napakamot siya ng ulo. Problemang malaki ito. Sa buong buhay niya, ngayon lamang siya ma stress na I solve ang problema sa loob ng 24 hours! And the consequence will be his own happiness!

Tinawagan niya si Jellaine, humihingal pa siya. “Pwede ko bang makuha ang number ni Dionne? Tatawagan ko lang siya, bigla silang nawala.”

“Problema mo yan! Kita mo na, kung hindi talaga magkakabati yung dalawa, huwag na huwag ka talagang makipagkita sa akin!” Then she went off the line.

Gustong ibato ni Zanjo ang cell phone niya. Ito yung tawag sa lovelife na, baka magiging bato pa! Mauuwi na naman sa pagiging broken hearted! Hindi niya hahayaang mangyari iyon! Agad siyang sumakay sa kotse niya, siguro naman hindi pa nakakalayo ang dalawang iyon.

Samantala habol pa rin ni Dionne si Zainah. Nasa loob sila ng rest room.  Sa isang cubicle si Zainah habang nasa labas naman si Dionne. Umiiyak pa rin ang nobya. Napapaatras tuloy ang kung sino mang pumapasok pero walang pakiaalam si Dionne.

“Listen, Zainah, wala kaming relasyon ni Jellaine. Engot lang talaga ang Zanjo na yun. Tumutulong pa nga ako sa love life nung dalawa. We just pretended that we are together.” He is now frustrated, bakit ba ayaw makinig nang babae sa kanya.

“Go away, Dionne. Pabayaan mo muna ako.”

“No, that can’t be, ayaw mo naman kasing maniwala sa akin!Gusto kong maging okay tayong dalawa. Alam mo naman how I value our relationship, di ba? Alam mo naman na ngayon lamang ako nagmahal ng ganito.”

“Just go please. Please. Kung talagang mahal mo ako, give me a space for a while. Nalilito ako, ayaw muna kitang makita.”

He wanted to stay, he wanted to explain until she will listen pero talagang ayaw. She even told him na hinding-hindi na niya ito makikita kung hindi siiya aalis dun, kaya wala siyang nagawa kundi umalis. Kailangan na rin dahil pinuntahan na siya nang manager ng restaurant. Ladies room nga naman ang kinalalagyan niya.

Nung nasigurong wala na si Dionne ay saka lumabas si Zainah, sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon. Bakit nauwi sa ganito ang lahat, gusto lang naman niyang makilala ang kaibigan ng nobyo, ang bestfriend nito. Pasakay na siya ng kotse niya nung mapansing may isang lalaking nakasandal rito.

Ito yung nanggulo kanina.

“Anong ginagawa mo rito?” Galit na sabi niya.

“Miss, Zainah, Miss Zainah. I’m Zanjo, I just.. I just wanted  to say sorry, yung nagyari kanina, I was a total jerk.” Nauutal na sabi niya.

Hindi nakinig si Zainah, akmang bubuksan niya ang pinto ng kotse nung pigilan siya ni Zanjo.

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now