29

17K 326 15
                                    

29

This story is intended to be madrama kasi yung characters sa totoong buhay mga baliw! Peace! Wahahaha! Now, if you don’t like, wala naman pong problema, marami pong finished at magagandang stories sa wattpad. Tink yu!

******************

Bakit ganun? Bakit parang ang dali para kay Zanjo na maniwala sa mga nakita niya? Hindi ba pupuwedeng kausapin muna siya? Hindi ba pupuwedeng bigyan man lang siya nito ng time para magpaliwanag?

Si Milette? Ano ang ginagawa niya dun? Sila na ba? Ganun ba kabilis?  Bakit nangyayari ito sa kanya ngayon? Ano ba talaga ang naging kasalanan niya? Para siyang zombie na naglalakad papalayo sa bahay ni Zanjo. Hindi niya alam saan pupunta.

“jellaine!” Tawag ni Dionne sa kanya. Pinuntahan ito ng binata sa bahay nila kanina pero ang sabi ng ina ay umalis ito. Naghinala siyang kakausapin nito si Zanjo, nung tumawag siya sa opisina ng binata ay nalaman niyang narito ngayon ang kaibigan…o dati na ang kaibigan, kaya nagbabakasakali siya na makikita niya si Zanjo o Jellaine man lang. Totoo nga dahil nakita niyang parang wala sa sarili na naglalakad si Jellaine.

Lumabas ng sasakyan niya si Dionne para habulin ang naglalakad na si Jellaine. “Jellaine!”

“Dionne?” Niyakap nito ang binata at umiyak.

“What happened? Sinaktan ka ba niya?” He took jelly to his car.

“Tama na, tahan na. You should not talk to him at this time, jellaine. Pinagsabihan na kita, di ba?” Ibinigay niya ang panyo niya sa dalaga.

“I saw him and Milette. They kissed!”

Hindi na nagulat pa si Dionne, knowing Milette, hindi na rin siguro siya magugulat kung pati yun may kinalaman sa nangyayari ngayon. “Don’t over react, jellaine, if you do, wala rin tayong pinagkaiba kay Zanjo nung makita niya tayong magkasama sa iisang kama. Ayusin mo ng sarili mo at iuuwi na kita. Wala pa rin daw si Gina, hindi ko rin siya macontact.”

“Bakit niya nagawa sa atin ito, Dionne?”

“I don’t know, pero kapag nakita ko siya, siguraduhin niya lang na may maganda siyang rason. Now, ayokong iuuwi kita nang ganyan ang hitsura mo, ayokong may masabi ang Nanay mo. Hindi mo naman siguro gustong mag-alala siya, di ba?”

“Thanks, Dionne.”

“Don’t mention it, jellaine. Sooner, Zanjo will find the truth, siguro mas pinaniniwalaan na muna niya yung nakita niy sa ngayon, but both of us knew what is the truth. Kaya hindi ka dapat umiyak, hindi mo dapat iniiyakan yung mga bagay na hindi naman totoo. Maging matapang ka jellaine, matuto kang lumaban, alam ko naman na ganun ka. Kaya natin to.”

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now