22

20.2K 381 27
                                    

22

Pagkatapos ng dalawang sira ulo na plot, eto ang iuupdate ko? Di kaya ako ang masisiraan?Tignan nyo nga?

***********

Kakayanin ba niya ang friendship na gusto nito? He may look sincere and really sorry  for what he had done, but will that be enough? Kung tatanggapin niya ito, ano ang mangyayari?

“Jellaine, please.”

“I dunno, Zanjo. I hope you understand.”

Napalo nito ang manibela. Ano pa ba ang puwede niyang gawin? Hanggang kailan siya ganito? Magmamalimos ng patawad ni Jellaine? Oo, aminado siyang kasalanan niya, pero hindi ba puwedeng bigyan siya ng isa pang pagkakataon? Isang-isa lang Jellaine.

“Halika na.” Sabi na lang niya nung marating nila ang lugar nila Jelly. Tulad dati, may pinag-iwanan siya sa sasakyan niya. Hindi sila didirecho kina JEllaine, kundi kina Gina. He wanted to know everything, tutal, iyon naman ang puno’t dulo ng lahat.

NArating nila ang bahay nito. ISang tawag lang at lumabas ang dalaga, namutla ito nung makita sina Zanjo at JEllaine pero wala siyang magagawa, kailangang harapin niya ang lahat. Pinatuloy naman sila nito.

“Hindi kami pumunta rito para awayin ka, Gina, o sumbatan ka.” Umpisa ni Zanjo. Halata kasing kinakabahan at naguguilty ang kaharap nila, ni ayaw tumingin sa kanilang dalawa.

“I just wanted to know why you did it? I mean, Jellaine is your friend, why did you use her?” Nakikinig lang si JEllaine sa kanila, bakit parang hindi siya interesado sa anumang sasabihin ni Gina?

“I’m sorry, I’m really sorry. I know hindi kayang ibalik yung trust ng sorry ko, Jellaine. Hindi ko naman kasi akalain na aabot sa ganito ang lahat. I just thought dati na nakatuwaan ko lang. Hindi ko sinasadya. Zanjo, I know malaki ang kasalanan ko sa kaibigan mo, hindi ko lang alam paano hingin yung kapatawaran niya.

Parang tape recorder lang ang sinasabi ni Gina, ganun din naman ang sinabi nito sa kanya. Si Zanjo lang yata ang nakikinig. Nung matapos at nakuha na ni Zanjo ang gustong marinig kay Gina ay nagpaalam na silang dalawa. Hindi pa rin matigil ang sorry ni Gina sa kanya.

“Time heals, Gina. Siguro hindi ko pa maibibigay yung kapatawaran na hinihingi mo.”

Nung nasa tapat na sila ng bahay nito ay nagpaalam na si Jellaine na uuwi na siya, tutal ayaw namang magtrabaho ni Zanjo ngayon.

“Sasama ako sa bahay mo.”

The Hardest BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon