14

21.1K 458 8
                                    

14

Zanjo was just standing there for minutes already; still he cannot believe what he did. JEllaine is not  the Jellaine that he knew. She’s different. Hindi ba naramdaman na niya noon pa na may mali? Hindi niya lang matukoy kung saan o ano.

“Zanjo, Iho. What are you doing here?” Si Tita Sabel. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatayo dun. “Dionne is looking for you.”

“Tita.”

“may problema ba?” Nag aalalang tanong nito.

“Wa-wala po.”

“Halika na. We need to celebrate.”

***********

Jellaine doesn’t know what to do. Unti-unting nag sisink in sa utak niya ang katotohanan. Bakit siya pa? Ano ba ang naging kasalanan niya kay Zanjo? Kay Dionne? Kay Gina? She felt betrayed.

Ganun lang ba kadali sa kanila na paglaruan ang damdamin niya? Ganun ba siya Katanga gaya nang sinabi ni Milette? Kung hindi nagising si Dionne, hanggang kailan siya lolokohin ni Zanjo? Hanggang sa madurog siya? Yung tipong wala nang matitira para sa kanya?

Hindi niya alam kung didirecho ba siya sa kanila o kina Winsor. Sa ngayon, ayaw na muna niyang makita si Gina. Mas pinili niya ang una. Sigurado kasing nag-aalala na ang NAnay niya, hindi naman kasi madalas na hindi siya umuuwi. At alam niya, kahit anong iwas niya, magkikita at magkikita sila ni Gina. Hindi niya kayang iwasan yun lalo at ito ang napag-iwanan niya sa Nanay niya.

Pinili niya ang una. Naglalakad siya na parang zombie, walang pakiramdam. Gusto niyang umiyak pero walang luha na lumalabas sa mga mata niya. Sobrang nasasaktan siya pero sa ngayon hindi niya puwedeng ilabas. Gusto niyang magalit pero ano ba ang magiging epekto? Bubuti baa ng lahat? Maibabalik ba siya sa dati?

“Nay.” Nagmano siya sa ina. Nandun si Gina, nakangiti. Gusto niyang tanungin ito pero hindi niya magawa.

“Natapos baa ng research work ninyo?” Nakangiti ito sa kanya.

“Oo. Salamat sa pagbabantay.”

“Walang anuman. Kuwentuhan tayo mamaya ha.” Excited pa ang boses nito. Anong ikukuwento ko sa iyo,Gina? Sa isip niya. Na ako ang umaani nang kasalanan mo? Na may isang taong galit na galit sa akin kaya nagawa niyang paglaruan ako? Anong ikukuwento ko? Na nagpaloko ako kay Zanjo? Na ang akala ko totoo ay hindi pala? Yung pagmamahal na ipinakita niya ay peke pala? Anong ikukuwento ko?

“Okay ka lang ba, anak?”

Yung tanong nang nanay niya ang nagpabalik sa kanya sa realidad. “Nay.” Matipid siyang ngumiti. “Okay lang po ako. Sige, Gina, salamat.”

The Hardest BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon