39

15.3K 304 6
                                    

Huwag magreklamo sa matagal na update! TSe! wahahahahaha! Wala lang, minsan, wala lang talagang ideas na pumapasok sa utak ko, tulad ngayon, kaya pagtiyagaan nyo na, dahil baka biglang mag -end siya. Mapektusan ako ni Jellaine.

*****************

39

Pasimpleng tumingin sa wall clock si Jellaine, alas siyete na ng gabi, wala bang balak umuwi itong Zanjo na ito? Ang aga niya sa bahay nila at inabot  na siya ng gabi pero kung titignan niya, wala talagang balak umuwi.  Nahihiya naman siyang ipagtabuyan ito, at isa pa, ang saya-saya ni Mackie.

Maya-maya pa ay may narinig na siyang dumating. Alam niyang si Dionne iyon dahil may usapan silang darating ito sa bahay nila ngayon. Gusto niya sanang pag-usapan ang pagpapanggap nilang dalawa sa harap ni Zanjo, pero paano niya ito gagawin kung andun mismo si Zanjo sa bahay niya?

Zanjo is very much aware that it’s already dark, pero wala siyang balak umalis, kung pupuwede nga lang na dun na siya tumira ay ginawa na niya. Pakapalan na lamang ito ng mukha. Alam niya ring darating si Dionne ngayon, harap-harapang laban na lamang kung kinakailangan.

“Good evening!” Ang saya ng bati ni Dionne. Nagulat ito nung makita si Zanjo, hindi kasi nagsabi si JEllaine na nandun ang ama ng anak nito.

“Magandang gabi.”

Hindi nakaligtas sa paningin ni Zanjo ang ginawang paghalik ni Dionne sa pisngi ni Jellaine, kung pupuwede lang sanang pilipitin ang leeg nito ngayon, ginawa na niya.

“What is he doing here? Di mo naman ako binigyan man lang ng warning.” Nakangiting bulong ni Dionne kay Jellaine.

“Hindi ko mapaalis eh. Siya sana ang gusto ko pag-usapan.”

“Ah, Zanjo, okay lang ba sayo kung sa terrace kami mag-uusap ni Jellaine? May pag-uusapan lamang kaming importante.”

Nagulat si Jellaine sa ginawa ni Dionne. Ito pa ang nakapag-isip na sa terrace sila mag-uusap.

“Sige.” Akala pa ni JEllaine ay magpapaalam ito na umuwi na pero hindi, mukhang sabay-sabay pa yata silang magdidinner ngayon ah.

“What do you want to talk about?” Tanong ni Dionne na nakangiti pa rin. Nasa terrace na sila ngayon, malayo kay Zanjo kaya sigurado siyang hindi sila maririnig. Jellaine finds Dionne weird, sa mga ngiti pa lang nito.

“Ikaw na nga muna, mukhang ang saya mo ngayon ah!”

“Yep. I’ve met someone this morning.” Sumilay naman ang weird smile nito.

“And?”

“I think I’m in-love!” Deklara nito.

Napangiti si Jellaine. Ngayon niya lamang nakitang ganun kasaya si Dionne, kaya pala ganun na lamang ang ngiti nito sa kanya.

“At sino ang malas na babaeng yan?”

“Malas talaga? Pinakasuwerte kamo. Imagine, siya ang makakakuha ng single heart ko, na matapos mong bastedin ng paulit-ulit.” Nagdrama pa ito.

The Hardest BattleOù les histoires vivent. Découvrez maintenant