4 We've MeT!

23.2K 360 8
                                    

4

 

Cliché po ito, gusto ko lang siyang gawin…

********

As usual, kailangan na naman niyang magmadali, may pasok pa siya sa mall. Naku, ayaw na ayaw pa naman niyang malalate. Sa pagmamadali niya ay hindi niya namalayang may mababangga na siya.

“Aray!” Sabog ang lahat ng gamit niya, kasama ng mga mani na hindi naubos! Nakakainis naman! Kung kailan siya nagmamadali.

“Hindi k aba tumitingin sa dinaraanan mo ha?” Sinabi niya yun habang kinukuha ang mga natapon niyang gamit.

“Why don’t you tell that to yourself when you bumped me?” A deep voice answered her. Tinignan niya ang nakabanggan. Literal na napanganga siya. Ito yung guwapong lalaking galit kung tumingin sa kanya. Mas guwapo pala ito sa malapitan. Tall, moreno and uber handsome, pero napakaseryoso na nakatingin sa kanya, salubong ang mga kilay, at

Galit?

Anong problema niya?

Wala naman talagang plano si Zanjo na makipagkita sa babaeng ito, talaga lang malalim ang iniisip niya kanina. Hindi niya akalain na sa lahat ng makakabangga niya, si JEllaine Amber pa! Nakakainit nang dugo. Tinignan niya ang mga nagkalat nitong gamit, napakunot noo siya, instead na mga pambabaeng pampaganda eh mga nakasupot na mani ang nakita niya.

“Wala ka bang balak na tulungan ako ha?” Pagtataray na ni JEllaine, kahit naman guwapo ito, dapat maging gentleman pa rin siya, dapat tinutulungan na siya nito na pulutin ang mga nagkalat niya na gamit, hindi yung nakatingin lang sa kanya.

“Kasalanan mo yan, hindi ka marunong tumingin sa dinaraanan mo.” Tingin kasi ni Zanjo ay gimmick lang ito ng kaharap. Ganito ba ang madalas niyang gawin para makakuha nang atensiyon.

“Aba’t!” Kumulo ang dugo ni JEllaine. Kahit pa mukha itong kagalang-galang.

“Hoy! Lalaking hindi ko alam kung saan ba naiwan ang manners, dapat nga magsorry ka, kita mo na, nagkalat yung mga gamit ko, mga paninda ko. Akala mo porke maganda ang suot mo palalagpasin ko ito ha.”

“Magkano ba yang mga paninda mo? Inaabala mo ako, ayokong magsayang ng oras sa iyo.” Kinuha nito ang wallet niya at naglabass ng dalawang libong piso. Inilagay ito sa kamay ng dalaga.

“Siguro naman sapat na yan para tumahimik ang bibig mo.” Sabay alis.

“Aba’t hoy!” Hinabol niya ito, kesehodang maiwan niya pa ang bag niya, pinagtitinginan na sila ng ibang tao sa mall.

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now